Team Sarah sinabotahe sa The Voice Kids 2? | Bandera

Team Sarah sinabotahe sa The Voice Kids 2?

Ervin Santiago - August 26, 2015 - 02:00 AM

sarah geronimo

TOTOO kaya ang reklamo ng supporters ni Sarah Geronimo na “sinabotahe” raw sila kaya hindi nakapasok sa grand finals ang dalawang The Voice Kids contestants na sina Zephanie Dimaranan at Kyle Echarri.

May nakarating kasi sa aming balita na ang claim ilang Popsters ay nahirapan silang i-send ang kanilang text votes para kina Zephanie at Kyle.

Karamihan daw kasi sa boto nila para sa dalawang semi-finalists ng Team Sarah ay hindi pumasok.
Ayon sa mga nagreklamo, kapag isine-send na nila ang kanilang boto ay hindi agad pumapasok samantalang kapag ang pangalan ng apat pang semi-finalists na kabilang sa Team Lea (Reynan Dal-Anay at Esang De Torres) at Team Bamboo (Sassa Dagdag at Elha Nympha) ay walang kahirap-hirap na nase-send agad.

Hindi namin sure kung nakarating na sa production ng The Voice Kids ang reklamong ito, pero naniniwala kami na fair ang naging laban dahil mas marami kaming nakakausap na pabor sa naging resulta ng huling labanan sa nasabing reality talent search ng Dos.

Marami nang humanga kay Sarah nang mag-post siya ng mensahe para sa kanyang fans at sa mga tagasuporta nina Zephanie at Kyle, aniya, “Salamat po sa sumusuporta sa #TeamSarah! Zephanie and Kyle, thank you for inspiring us.

God bless you both. May the most deserving kid win.”  Sa isang video naman na in-upload ng isang tagahanga ng Pop Princess, narito ang kanyang mensahe, “Sa lahat po ng Popsters at sa mga hindi po Popsters na sumuporta sa Team Sarah, maraming maraming salamat po.

Thank you po, thank you.” Pahabol pa nito, “Don’t be sad. Ganyan talaga.” Sa Instagram naman idinaan ni Kyle ang kanyang message para kay coach Sarah, anang bagets, “Coach Sarah inspired us to continue reaching our dreams & to never give up.

Thank you to everyone who supported me & Zephanie @kylesters_main @popsters25 & all other fandoms. We remain blessed & grateful.”

Sey naman ni Zephanie, “Thank you po Coach Sarah, Thank you Team Sarah, Kyle, Zephanatics, Lycanatics, Popsters, and Sa lahat po ng sumusuporta sa Amin! Sa Pamilya ko, sa Lahat Lahat ng Sakripisyo at Labis na Pag Aalaga sa akin! Mahal ko po kayong Lahat! Tuloy po ang Aking Mga Pangarap.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending