44,000 rifle ng AFP depektibo | Bandera

44,000 rifle ng AFP depektibo

John Roson - August 25, 2015 - 06:52 PM

afp
Kinailangang ipasauli ng militar ang marami sa mga M4 rifle na ipinamahagi sa mga kawal noong nakaraang taon matapos madiskubre na may depekto ito, ayon sa opisyal kahapon.

Ipina-recall ang 44,186 unit ng M4 rifle na binili sa US gun maker na Remington, sabi ni Colonel Noel Detoyato, hepe ng Armed Forces public affairs office.

“Hindi ito tinanggap ng ating technical inspection and acceptance committee (TIAC) because they saw defects on the rear sight… Parang gumagalaw siya,” sabi ni Detoyato sa mga reporter.

Nang kapanayamin sa telepono matapos iyon, nilinaw ni Detoyato na maaari nang ibalik sa mga kawal ang marami sa mga ni-recall na M4 rifle dahil naayos na ang depekto.

“A total of 24,300 are now for re-issuance while 19,886 have also been corrected and accepted, but have yet to undergo ballistics,” aniya.

Tinanggap ng TIAC ang parehong bulto ng baril noong Hulyo 30 at naipaalam ito sa Defense Acquisition Office nitong nakaraang Agosto 13, dagdag ni Detoyato.

Lumalabas na nadiskubre ang depekto ng M4 rifle matapos maipamahagi ang libu-libo sa mga ito sa mga kawal sa iba-ibang bahagi ng bansa noong nakaraang taon.

Matatandaang si Pangulong Benigno Aquino III pa mismo ang namuno sa pamamahagi ng mga bagong biling rifle noong Agosto 14, 2014 sa Camp Aguinaldo.

Bumili ang pamahalaan ng kabuuang 50,629 M4 rifle mula sa Remington sa halagang P1.9 bilyon.

Sa kabuuan, 44,186 ang ibinigay sa Army habang 6,443 ang ipinamahagi sa Navy.

Ayon kay Detoyato, ang mga rifle na binigay sa Army lang ang pina-recall dahil iba ang pagkagawa ng mga inisyu sa Navy.

“Wala silang carry handle, nandudoon ‘yung rear sight. Naka-optics ‘yung kanilang inorder kaya walang defect ‘yung kanila,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang Remington ang sumagot sa pagpapaayos sa depekto ng mga baril ng Army, ayon kay Detoyato.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending