Laban kay Khan nakasalalay kay Pacquiao | Bandera

Laban kay Khan nakasalalay kay Pacquiao

Mike Lee - August 25, 2015 - 01:00 AM

NASA kamay ni Manny Pacquiao ang desisyon kung tatanggapin ba niya o hindi ang alok na labanan si Amir Khan sa 2016.

Ito ang sinabi ni Bob Arum ng Top Rank na siyang nagtutulak para magkita ang magkaibigang boksingero na balak gawin sa Middle East.

“This takes time and I will present everything to Manny and we’ll see what happens,” wika ni Arum sa World Boxing Scene.

Huling sumampa ng ring si Pacquiao noong Mayo 2 sa megafight nila ni Floyd Mayweather Jr. at nagpapahinga pa dahil dumanas siya ng rotator cuff injury sa kanang balikat.

Naghahanap ang Top Rank ng may pangalang boksingero para itapat kay Pacquiao upang maibalik ang atensyon sa Pambansang Kamao.

May 31-3, 19 knockouts karta si Khan habng si Pacquiao ay mayroong 57-6-2, 38 KOs record at nakikita ng Top Rank na magandang pagsabungin ang dalawa sa ring.

Nakausap na ni Arum si Khan at payag ito na harapin si Pacquiao na nakasama niya sa ensayo noong nasa pangangalaga pa siya ni Freddie Roach.

Tutol si Roach sa planong pagtapatin sina Pacquiao at Khan dahil naniniwala siyang madaling laban ito para sa Kongresista ng Sarangani Province.

Ang walang talong si Danny Garcia (31-0, 18 KOs) ang nais ni Roach na isagupa kay Pacquiao dahil magiging maaksyon ito dahil hindi takot makipagsabayan ang 27-anyos American boxer.

Si Garcia ay isa ring dating WBA at WBC light welterweight champion kaya’t hindi magiging problema ang timbang kung maisara ang laban kontra Pacquiao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending