No work, no pay sa mga kongresista
Kung ang ordinaryong empleyado ng gobyerno ay hindi umano sumusuweldo kapag hindi nagtatrabaho, dapat ay ganito rin ang gawin sa mga kongresistang absinero.
Ayon kay Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., mahalaga na ipatupad ang patakaran ng gobyerno ng pantay-pantay.
“No work no pay. Like any ordinary employee both in the private and government sector who does not receive compensation when absent, members of Congress who do not attend sessions should not receive compensation,” ani Barzaga.
Ilang araw na walang sesyon ng Kamara de Representantes dahil kulang ang mga kongresista na pumasok sa plenaryo. Walang maipapasang panukala ang Kamara kung walang quorum o mahigit kalahati ng kabuuang bilang ng mga kongresista.
“It is about time that this basic rule should be applied to all regardless of the elective positions a person is holding in order to address effectively absenteeism in the government service,” ani Barzaga.
Walang sinabing parusa si Speaker Feliciano Belmonte Jr., para sa mga absinerong mambabatas at ipalalathala na lamang umano ang pangalan ng mga dumadalo sa sesyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.