Korina, Mar may promise kay Mother Lily
Sa kabila ng pagiging ghost month ng August, hindi pa rin nagpapigil ang Regal Films matriarch na si Mother Lily Monteverde sa pagse-celebrate ng kanyang 76th birthday nu’ng Miyerkules ng gabi sa kanyang Valencia Gardens sa San Juan.
Kasabay din nito ang anniversary celebration ng Regal Entertainment kung saan in-announce ng lady producer ang mga nakalinyang pelikula na ipalalabas ng Regal sa susunod na mga buwan.
Tuwang-tuwa si Mother dahil maraming kaibigan niya in and out of showbiz ang dumating para maki-celebrate sa kanyang kaarawa, kabilang na nga riyan ang Master Showman na si Kuya Germs na ibinalitang okey na uli ang health condition niya ngayon.
Pero aniya, hindi pa siya pwedeng tumodo sa pagtatrabaho para maiwasan ang stress at sobrang pagod.
Naroon din sina Carla Abellana, Mayor Herbert Bautista, Derrick Monasterio, Kean Cipriano, Karylle, Janella Salvador, Marlo Mortel, Leo Martinez, directors Joey Reyes, Gil Portes and Erik Matti.
Siyempre, hindi nagpahuli ang mga politikong friends ni Mother na sinorpresa rin siya sa kanyang party tulad ni DILG Sec. Mar Roxas with wife Korina Sanchez, Sen. Antonio Trillanes, Richard Gordon, Dan Fernandez at marami pang iba.
Pero sabi ni Mother Lily, wala pa raw siyang napipiling presidentiable na susuportahan niya sa 2016, masyado pa raw maaga para i-announce niya ang tungkol dito.
Pero aniya, ang hinahanap niya sa isang lider ay may puso sa mahihirap at handang ipaglaban ang bayan kahit na anong mangyari.
Sabi naman ni Mother kay Sec. Mar, “Pero naniniwala ako sa kalinisan, kakayahan, at karanasan ni Mar na mamuno sa ating bansa.”
Tuwang tuwa naman si Korina sa suporta at pagmamahal na nakukuha nila mula kay Mother Lily, “Nakakataba naman ng puso na may isang ka- tulad ni Mother na isa sa mga haligi ng industriya ang naniniwala sa kakayahan ng aking asawa.
Mahal na mahal niya kami and one thing is for sure, we love her back.” Equally happy and honored naman si Sec. Mar sa pagmamahal ni Mother sa kanya.
“Napakalaki ng respeto ko kay Mother Lily at pinapahalagahan ko ang kanyang paniniwala sa akin. Hindi ko sisirain ang tiwala niya sa akin sa pagpapatuloy ko sa daang matuwid.”
Ang birthday wish naman ni Mother bukod sa makagawa pa ng maraming pelikula ay, “Peace of mind dahil ‘yun talaga ang pinaka-important sa lahat, di ba?”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.