Yaya Dub anak-mayaman, mga magulang maraming negosyo
KALIWA’T kanan ang pagpirma ng kontrata ni Alden Richards, ang kalahati ng phenomenal #AlDub loveteam – the other half ay ang sikat na sikat na ring si Yaya Dub.
Nauna nang pumirma ng movie contract si Alden for APT Entertainment, kasunod ang endorsements and recently pati sa recording, huh!
Si Alden lang ang nababalitaan namin na dinadagsa ng offer samantalang wala pa kaming naririnig na ibang proyekto for Yaya Dub. E, baka gusto siguro ng mga namamahala ng career niya na mabitin muna ang kanyang fans at manatili munang misteryosa ang dating sa publiko.
Although, paunti-unti ay nalalantad na ang ilang detalye sa personal na buhay ni Yaya Dub like her real name at family background.
Hindi naman pala lugi si Alden kung sakaling magka- tuluyan sila ni Yaya Dub. Unlike her character na “pino-portray” sa kalyeserye ng Eat Bulaga, in real life ay lumaking may sariling yaya si Yaya Dub.
Nagmula pala sa isang buena familia si Maine Mendoza.
Lumaki siya sa Sta. Maria, Bulacan kung saan naka-base ang kanyang pamilya. Isa pala sa mga kinikilalang maimpluwensya at mayaman ang pamilya ni Maine sa Bulacan. Negosyante kasi ang mga magulang niya roon.
According to our source na kapitbahay mismo ni Maine, may mga gasoline stations na business ang parents niya sa Bulacan. Take note, “mga” gasoline stations at hindi iisa lang, huh!
Bukod sa gasoline stations, may iba pang malalaking business sa Bulacan ang mga magulang ni Yaya Dub.
Nagtapos ng high school si Maine sa St. Paul’s College sa Bulacan at nag-college naman sa De La Salle University sa kursong Culinary. And knows n’yo ba kung saan siya nag-OJT for her culinary course sa La Salle? Well, sa New York City sa Amerika lang naman.
Pangatlo si Maine sa apat na magkakapatid. Tatlo silang mga babae at lalaki ang bunso sa kanilang magkakapatid. Sadyang mahilig lang daw talaga sa showbiz si Maine kaya kung saan-saan siya napapadpad para mag-audition.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.