Tatay ng panganay na anak ni Ai Ai pumanaw na | Bandera

Tatay ng panganay na anak ni Ai Ai pumanaw na

Ervin Santiago - August 18, 2015 - 02:00 AM

aiai delas alas

Pumanaw na ang tatay ng panganay na anak ni Ai Ai delas Alas na si Sancho Vito. Mismong ang Comedy Queen ang nag-post ng malungkot na balita sa kanyang Instagram account.

Ayon kay Ai Ai, si Rey Malte-Cruz ang tatay ni Sancho at hindi ang singer na si Miguel Vera. Sey ni Ai Ai, si Miguel lang ang nakasama ni Sancho nu’ng lumalaki ito. Itinuring din daw na parang tunay na anak ni Miguel si Sancho.

Nag-post din ng kanyang mensahe si Sancho sa kanyang social media account para sa yumaong ama, aniya, nagpapasalamat siya sa Diyos dahil binigyan pa siya ng chance na makasama at makilala pa nang husto ang kanyang tunay na tatay.

Hindi naman idinetalye ni Ai Ai kung ano ang naging sanhi ng pagkamatay ng dati niyang partner. Pero aniya, matagal na raw may karamdaman ang ama ni Sancho.

Theater actor daw si Rey nang magkakilala sila ni Ai Ai hanggang sa magbunga nga ang kanilang relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending