Ate Guy niresbakan ang mga kaaway ni Grace Poe sa politika | Bandera

Ate Guy niresbakan ang mga kaaway ni Grace Poe sa politika

Ervin Santiago - August 17, 2015 - 02:00 AM

grace poe

KITANG-KITA ni Superstar Nora Aunor si Fernando Poe, Jr. sa anak nitong si Sen. Grace Poe, kaya naman ipinagtanggol din nito ang senadora sa pambabatikos ng ilan nitong detractors sa politika.

Sa gitna nga ng mali- lisyosong mga isyu na ibinabato laban kay Sen. Grace, siniguro ni Ate Guy na “101 percent support” ang ibinibigay niya sa anak nina FPJ at Susan Roces.

Ayon kay La Aunor, handa siyang suportahan si Sen. Grace sakali ngang magdeklara na itong tumakbo sa 2016 elections, “Para sa akin dapat lang siyang tumakbo bilang presidente dahil isa siya sa mga kakaunting matino at masigasig na opisyal ng gobyerno na nakikita ko,” sabi ni Ate Guy.

“Madali siyang lapitan, maunawain siya. Wala akong kaduda-duda sa kanyang kakayahan at katapatan bilang isang Pilipino at public servant.

Ako ay 101 percent na sumusuporta sa kanya,” dagdag niya. Paliwanag ng superstar, nakikita niya ang yumaong FPJ sa katauhan ng senadora.

Aniya, pareho silang mapagkumbaba at may malasakit sa mga mahihirap. “Sa totoo lang, mas naki- kitaan ko siya ng malasakit at pagmamahal sa Pilipino kaysa sa mga tumutuligsa sa kanya.

Si Sen. Grace ay isang magandang halimbawa ng isang Pilipinong tunay na naglilingkod sa bayan. Siya ang dapat tularan ng mga sinasabing batikang pulitiko diyan,” ani Ate Guy.

Pero nilinaw ng Superstar na hindi niya sinusuportahan si Sen. Grace dahil anak ito ni FPJ, na isang matalik na kaibigan at naging katambal niya sa ilang pelikula.

May sariling talino at diskarte aniya ang senadora, na napagmasdan niya noong una pa lang itong umupo sa Senado at nagsulong ng mga panukala upang makatulong sa mga mahihirap at sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Noong nakaraang Mayo ay pinarangalan si ate Guy ng Senado para sa kanyang kontribusyon sa pelikulang Pilipino. Ito ay matapos siyang tumanggap ng the Lifetime Achievement Award sa ASEAN International Film Festival and Awards sa Malaysia.

Kamakailan lamang ay nanalong Best Actress in a Foreign Film si La Aunor para sa kanyang papel sa pelikulang “Dementia,” na ipinalabas sa St. Tropez Film Festival sa France.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending