Matutupad ba ang pangarap na maging teacher? | Bandera

Matutupad ba ang pangarap na maging teacher?

Joseph Greenfield - August 17, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Roselyn ng Facoma Subdivision, Valencia, Bukidnon
Dear Sir Greenfield,

Dala ng kahirapan ay nahinto ako ng pag-aaral pero sana ay second year college na ako sa ngayon. Teacher sana ang pangarap ko na maging propesyon. Sa nga- yon ay nagta-trabaho ako sa tindahan ng gamot bilang tindera at sinisikap kong makaipon ng pera para makapag-enrol sa susunod na pasukan. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may pag-asa kayang matupad ko ang pangarap kong maging guro na siya ring pangarap para sa akin ng mga magulang ko. Kaya lang pareho silang wala na sa ngayon at sa kasalukuyan ay sa mga lola at lolo ko na lang kami nakikitira. November 26, 1994 ang birthday ko.

Umaasa,
Roselyn ng Valencia, Bukidnon
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Kapansin-pansin ang pagiging tuwid at hindi naman huminto na Fate Line (Illustration 1-1 arrow 1.) na sinabayan at sinamahan pa ng isa pang uling guhit (1-1 arrow 2.) sa iyong pa- lad. Tanda na anoman ang maganap, siguradong sa darating na pasukan sa June 2016 may himalang mangyayari, makapag-eenrol ka sa college sa pamamagitan ng tulong ng ibang tao at sarili mong diskarte at pagsisikap.

Cartomancy:

Bukod sa sarili mong pagsisikap, ang barahang Nine of Diamonds, King of Hearts at King of Diamonds (Illustration 1.) ang nagsasabing sa tulong ng dalawang lalaki kapag nag-aaral ka na, tuloy parin ang pagiging “working student” mo, hanggang sa makatapos ng kolehiyo at makapasa sa teacher’s board exam.

Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending