Relasyong Kim-Xian fake; naglolokohan lang | Bandera

Relasyong Kim-Xian fake; naglolokohan lang

Jobert Sucaldito - August 16, 2015 - 02:00 AM

kim chiu

PROMO to the max ang magka-loveteam na Kim Chiu and Xian Lim anywhere. Mapa-TV or press interviews nila, pa-PDA raw ang dalawang hitad.

Pa-echos sila na magdyowa na kuno at may mga dialogue pang gusto raw nilang makasama ang isa’t isa habambuhay.

Hasus! Tigilan kami, ‘no! Bago kayo mag-ilusyong magsasama habambuhay, aminin niyo munang magsyota kayo.

Matatanda na kayo para magpa-cute, oy! Matagal nang nabili ang ganyang ka-echosan sa showbiz. Make public muna your relasyon bago kayo mag-jump sa next level of comments.

“Hindi naman talaga sila eh. Alam niyo ba, kuwento sa akin ng production staff ng mga naging shows nila, hindi naman nagkikibuan ang dalawang iyan pag nasa dressing room sila or nasa waiting area nila.

“Pero pag may dumating na press ay kiyemeng magka-holding hands na or nakaakbay na itong si Xian kay Kim. Pag wala nang tao, back to normal na deadmahan sila.

Kasi nga, hindi naman nila talaga gusto ang isa’t isa. Magka-loveteam lang sila kaya napipilitan sila sigurong maging close kuno sa harap ng madlang people.

“Unless nagbago na sila ng drama. Baka naging closer nga sila ngayon. Pero para maging magdyowa, I doubt it,” sey ng isang hitad na baklitang katsikahan nating may alam daw sa drama ng dalawa.

Tsaka may attitude daw talaga itong si Xian more than Kim. Mas mapapatawad mo pa nga raw itong si Kim dahil harmless naman si babae pero itong si Xian ay maysadong maldita ang dating.

Supladita raw ang peg. Pag ayaw niya ng anything sa set, nakasimangot daw ito. Kahit sa mga out of town shows daw na kasama siya, hangga’t maaari ay gusto raw niyang nasa loob lang siya ng van at lalabas lang kung tatawagin na ang name niya.

Ganoon daw ang drama ng lalaking ito. May angas factor kumbaga. Kiyeme lang daw ang pagiging sweet-sweetan niya sa fans pero once na nakaalis na siya, wala na raw itong paki.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May pagkabastos kasi ang tabas ng bibig ng Xian na ito kaya maraming ayaw siyang makatrabaho. Kilalang-kilala namin ang malditong Xian na ito.

Kahit kami ay nabiktima na dati ng mga kadramahan niya. Hay buhay, sana magamit ng mga ito ang kaartehan nila sa mga acting pieces nila para naman mapakinabangan, di ba? Pa-cute? At their age? E di, wow! Tama?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending