Mommy ni Kathryn pinagalitan ng mga bossing ng ABS-CBN
TRUE kaya ang ipinarating na tsika sa amin ng isang taga-ABS-CBN na pinagsabihan daw ng management ang mommy ni Kathryn Bernardo sa makahulugang post nito sa kanyang Twitter account noong Lunes, Agosto 10.
Kung bakit naman kasi nasabay pa ang pagpo-post ni Mrs. Min Bernardo ng, “Guy’s, let’s be proud na tayo ang ginagaya mas masaya, ang mahirap ang nanggagaya at wow, galing Kathcakes, Kathniels ang bilis, make it higher til midnight, kaya ba natin?” pagkatapos umere ng On The Wings of Love nina James Reid at Nadine Lustre.
Naging negatibo tuloy ang dating ng mommy ni Kathryn at inisip na na-insecure siya sa JaDine tandem.
Kahapon, habang nagtitipa kami ay may tumawag sa aming taga-ABS-CBN at sinabing, “Huy, napagsabihan si mommy ni Kathryn dahil sa post niya.
Hindi naman kasi maganda maski na itanggi pa.” Timing naman dahil hiningan pala ng pahayag si Mrs. Bernardo ng PEP at ang paliwanag daw ng nanay ng Teen Queen, “Lahat kami ay magkakapamilya.
Suportahan natin ang lahat ng programa ng ABS-CBN.” Wala na kaming nabasang iba pang paliwanag ng mommy ni Kath at ganito lang talaga kaiksi ang sinabi niya.
Maging sa Twitter account niya ay wala na rin siyang bagong post at ang huli ay noon pang Agosto 10.
Sana huwag nang gatungan pa ng ibang mga supporters ang isyu dahil totoo naman talaga, magkakapamilya ang JaDine at KathNiel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.