Makapagba-barko bang muli? (2) | Bandera

Makapagba-barko bang muli? (2)

Joseph Greenfield |August 02,2015
facebook
share this

Makapagba-barko bang muli? (2)

Joseph Greenfield - August 02, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Francis ng Gladiola St., Buhangin, Davao City
Problema:
1. Dati po akong nasampa sa barko bilang seaman, isang beses lang at napababa ako dahil nagka-trouble kami ng mga kasamahan ko. Mula noong ay hindi na ako nakasampa uli kaya naubos na ang ipon ko. Itatanong ko lang kung may ikalawang pangingibang bansa kayang itatala sa aking kapalaran?
2. Kung mayroon kailan naman kaya ito magaganap at susuwertehin kaya ako at hindi na mato-trouble uli sa barko. Balak ko kasi magbarko ng mag-barko para makaipon ako ng pera at kapag marami na akong ipon balak kong magnegosyo na lang? At kung makakaipon na ako at magnenegosyo, anong negosyo kaya ang bagay sa akin? March 23, 1981 ang birthday ko.
Umaasa,
Francis ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ay nag nagsasabing sa tulong ng isang kaibigang Sagittarius o kaya’y Leo, ikaw ay madaling makapagbabarko sa buwan ng Agosto at kapag nasa barko ka na, sa tulong din ng isang Sagittarius at Leo, tuluy-tuloy ka ng uunlad at aasenso.
Numerology:
Ang birth date mong 23 ay nagsasabing kapag nakaipon ka na ng sapat na puhunan, mainam na negosyo sa iyo ang tindahan, grocery at iba pang paninda na pang-araw-araw na pangangailangan ng mga tao. Sa negosyo nabanggit ka uunlad at yayaman.
Luscher Color Test:
Mapalad ka sa kulay na pula, puti, asul, silver at gray. Lagi mong isuot at gamitin ang nasabing mga kulay upang magtuluy-tuloy ang dating ng suwerte at magandang kapalaran.
Graphology:
Masyadong maliit ang  iyong lagda. Lakihan mo ang iyong sulat kamay at ang iyong pirma, upang lumaki din ang iyong mga pangarap at accomplishment sa buhay.
Huling payo at paalala:
Francis ayon sa iyong kapalaran sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng Agosto sa edad mong 34 pataas, magsisimula ng bumalik ang dati mong suwerte, may mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran at habang nasa barko ka, tuluy-tuloy ka ng makakaipon ng puhunan at sa negosyong nabanggit na sa itaas, mabilis ang magaganap kapag na nakapagnegosyo ka na, lilipas ang ilang pang mga mga panahaon, sa taong 2031 sa edad mong 50 pataas – tiyak na ang iyong pagyaman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending