Ate Guy inisnab ang kasal ni Ian De Leon | Bandera

Ate Guy inisnab ang kasal ni Ian De Leon

Cristy Fermin |July 17,2015
facebook
share this

Ate Guy inisnab ang kasal ni Ian De Leon

Cristy Fermin - July 17, 2015 - 03:00 AM

CHRISTOPHER DE LEON, NORA AUNOR AT IAN DE LEON

CHRISTOPHER DE LEON, NORA AUNOR AT IAN DE LEON

Mahirap intindihin ang hindi pagdalo ni Nora Aunor sa pagpapakasal ng kanyang nag-iisang biological son na si Ian de Leon.

Nandu’n ang mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong, pati ang magkakapatid na Lotlot, Kenneth at Kiko, ang kapanganganak lang na si Matet de Leon ang hindi nakadalo sa mga itinuturing na kapatid ni Ian.

Ang ibinigay na katwiran ni Nora Aunor ay maysakit daw siya. Masakit ang kanyang likod, nahihirapan daw siyang tumayo, kaya hindi siya nakapunta sa kasal ng kanyang anak.

Pero maraming nagtaas ng kilay sa katwirang ibinigay ng Superstar, nag-iisa niyang anak si Ian kung tutuusin, dugo at laman niya pero nakaya pang deadmahin lang ng aktres ang isang napakamarkadong kaganapan sa buhay ng kanyang anak.

Komento ng isang miron, “Ewan kung sino ang maniniwala sa mga dahilan ni Nora, siya lang siguro, dahil ano ba namang katwiran ‘yun? Mismong anak niya, e, hindi man lang niya pinahalagahan?”

Ang nakakatawa para sa mas nakararami, kinabukasan ay dumalo ang Superstar sa presscon ng isang gagawin niyang pelikula, ilang oras lang ang pagitan nu’n sa ikinatwiran niyang masakit ang kanyang likod at hindi siya makatayo.

Kunsabagay, siguro nga ay sanay na naman si Ian sa ganu’ng ugali ng ina nito, hindi lang naman ngayon nangyari ang ganyan. Maraming beses nang nagkakatampuhan ang mag-ina dahil sa kawalan ng pagpapahalaga ng aktres sa kanyang anak.

Mabuti pa nga raw ang ibang tao at binibigyan ng panahon at importansiya ng Superstar pero ang tunay niyang dugo at laman ay kinakaya niyang tiisin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending