Sikat na female star may problema raw sa lalamunan pero sugapa pa rin sa yosi | Bandera

Sikat na female star may problema raw sa lalamunan pero sugapa pa rin sa yosi

Cristy Fermin |July 15,2015
facebook
share this

Sikat na female star may problema raw sa lalamunan pero sugapa pa rin sa yosi

Cristy Fermin - July 15, 2015 - 05:39 PM

MARAMING kuwentong nagaganap sa airport. Napakarami kasing tao sa paliparan. Nagmamadali, natetensiyon, nakukuwestiyon. Sa isang lokal na paliparan naengkuwentro ng aming source ang isang kilalang-kilalang babaeng personalidad.
May kinuhang mga dokumento ang aming source mula sa kanilang probinsiya. Habang naghihintay ito ng boarding time ay nagpunta muna ito sa isang lugar na puwedeng manigarilyo ang mga pasahero.
Matagal na itong nandu’n, nagmumuni-muni lang habang nagbubuga ng usok, nang may kumalabit sa kanya. Pamilyar sa kanya ang itsura ng babae, sigurado ang aming impormante na kilalang-kilala nito ang babaeng kumalabit sa kanya, kaya lang ay nandu’n ang kanyang pagdududa na ang babaeng nasa isip nga nito ang nasa kanyang harapan.
Nakikisindi ng sigarilyo ang babae. Meron siyang hawak na kaha ng sigarilyo pero wala siyang lighter. Ang nilapitan pa ng babae ang nag-alok na sindihan ang kanyang yosi.
Kuwento ng aming source, “Talaga palang hindi mo siya agad makikilala dahil ibang-iba na ang itsura niya ngayon. Mataba na siya, e, dati, payat na payat siya. Saka bakit ganu’n, napakatindi ng init ng panahon, pero naka-boots pa siya at jacket.
“Saka akala ko ba, e, may matinding problema siya sa lalamunan? E, pagkatapos ng isang stick, nagsindi pa uli siya. Chain smoker pala siya?
“Napakalaki ng pagkakaiba ng itsura niya ngayon sa dating itsura niya. Kahit nga ang mga tao sa airport, halos hindi rin naman siya nakikilala.
“E, dati, kapag tumayo siya sa isang lugar, siguradong ima-mob na siya. Pagakakaguluhan siya, yayakap-yakapin at hahalikan ng mga fans niya. Ngayon, wala lang, basta nakaupo lang siya, walang pumapansin sa kanya,” kuwento ng aming source.
Bradly Guevarra, siguradong kilalang-kilala mo kung sino ang babaeng personalidad na ito, pramis!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending