Heart sa pagtakbo ni Chiz sa Eleksiyon 2016: Ayoko pong makiepal sa Politika! | Bandera

Heart sa pagtakbo ni Chiz sa Eleksiyon 2016: Ayoko pong makiepal sa Politika!

Ervin Santiago |July 07,2015
facebook
share this

Heart sa pagtakbo ni Chiz sa Eleksiyon 2016: Ayoko pong makiepal sa Politika!

Ervin Santiago - July 07, 2015 - 02:00 AM

chiz escudero

ANG mag-asawang sina Sen. Chiz at Heart Evangelista-Escudero ang nagbukas ng benefit exhibit ng Actors Guild of the Philippines na pinamagatang “PortrAYAL (LAYA): Portraits for Freedom” na may temang Human Rights & Freedom na nag-umpisa noong July 4 sa A.R.T. Center, SM Megamall.

Bukod sa ibang obra ng mga ibang artistang sumali, nasa exhibit ang obra ni Heart na oil on canvass na 48” by 72” ang sukat at may pamagat na “Forgotten”.

All out ang suporta ni Sen. Chiz sa kanyang asawa na kilala na rin ngayon bilang isang magaling na pintor na maging ang kanyang Hermes bag ay pinintahan niya.

Anyway, maraming naghihintay kung ano ba talagang posisyon ang tatakbuhan ni Chiz sa darating na election? Presidente ba o bise presidente? Wala pang sinasabi ang senador pero matunog ang usap-usapan na magta-tandem sila ni Sen. Grace Poe.

Ang tanong, sino kaya sa kanila ang tatakbong pangulo at sino ang bise presidente? Abangan na lang natin.

Samantala, hinihikayat naman ni Chiz ang National Food Authority na masusing busisiin ang mga pribadong kumpanyang binigyan nito ng permit para mag-angkat ng bigas matapos ang mga balitang may kumakalat na “fake rice” sa Davao.

Anyway, para naman kay Heart, hangga’t maaari ay ayaw na niyang makialam pa sa politika. Ang lagi lang niyang sinasabi ay susuportahan niya ng 100% kung anuman ang maging desisyon ng asawang senador sa darating na 2016 presidential elections.

“Kung anuman ang plano niya, siyempre susuportahan ko siya. But like I always say, as much as possible, ayoko nang makialam. Basta susuportahan ko siya bilang wife niya.

“But when it comes to politics, ayaw kong makiepal. Sa kanya yun,” chika pa ni Heart. Dagdag niya, wala pa raw talaga siyang idea kung anong posisyon ang tatakbuhan ng kanyang mister.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending