Ate Vi mapapalaban sa Eleksiyon 2016; isasabong sa tambalang Grace-Chiz | Bandera

Ate Vi mapapalaban sa Eleksiyon 2016; isasabong sa tambalang Grace-Chiz

Cristy Fermin - July 06, 2015 - 02:00 AM

vilma santos

Kung totoo ang kuwentong nakarating sa amin ay mukhang mapapalaban si Governor Vilma Santos sa darating na eleksiyong pampanguluhan.

Isang impormante ang nagbulong sa amin na hindi pa lang kalat ang balita, pero ilang beses na silang nag-uusap ni Vice-President Jejomar Binay, ang Star For All Seasons pala ang kinukuhang running mate ng bise-presidente ng ating bayan sa darating na halalan.

Sa pagkakaalam namin ay hindi muna lalabas sa probinsiya ng Batangas si Governor Vilma, sa kanyang mahal na probinsiya pa rin siya maglilingkod, pero madiing sinabi ng aming source na matindi na ang “panliligaw” na ginagawa ng partido ni VP Binay sa magaling na aktres.

Kung sakaling papayag si Governor Vilma ay napakalaking bentahe nu’n para sa partido ni VP Binay, walang masamang track record si Governor Vilma mula nang maging mayor siya hanggang sa maka-graduate at maging gobernador na ng Batangas, napakalinis ng kanyang kartada bilang public servant.

Balitang-balita na ang pagpapareha sa darating na eleksiyon nina Senador Grace Poe at Senador Chiz Escudero para sa Liberal Party, kung matutuloy ‘yun at maeetsapuwera si DILG Secretary Mar Roxas, isang Vilma Santos nga ang magbibigay ng magandang laban sa tambalang Poe-Escudero.

May sariling paninindigan si Governor Vilma Santos, abangan na lang natin kung tatanggapin niya ang alok, interesante ang senaryong ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending