Angelica nagreklamo sa taping ng serye: Walang asenso, lalong lumala! | Bandera

Angelica nagreklamo sa taping ng serye: Walang asenso, lalong lumala!

Alex Brosas |July 05,2015
facebook
share this

Angelica nagreklamo sa taping ng serye: Walang asenso, lalong lumala!

Alex Brosas - July 05, 2015 - 02:00 AM

angelica panganiban

Sometimes merong punto ang pagtataray ni Angelica Panganiban sa kanyang social media account.

Just like her recent post about the supposed unprofessionalism sa set na paniniwala ng marami ay sa taping ng Pangako Sa ‘Yo kung saan kasama niya rin sina Jodi Sta. Maria and Ian Veneracion.

She was yakking about the absence of script during taping. Naloloka siya sa ganitong sistema ng Dos.“Ang script ngayon kinikwento na lang…hindi na binabasa…kasi…walang script. Paano? Ang amazing naman nito. Gulatan. Haaay.

Kailangan ko ng pasensiya. Test of character na naman ituu. Walang asenso. Tsk tsk tsk. 22 years na kong artista ganun pa din ang sistema. Lalo lang lumala,” say niya.

Baka naman ang feeling ng mga scripwriters ng taga-Dos ay sila si Danny Zialcita na walang script kapag nagsu-shooting.Si Danny ang kilalang director na ubod nang husay kahit na hindi siya gumagamit ng script.

Ang ganda niyang mag-weave ng mga eksena lalo na ng mga dayalog na may dating. Baka iyon ang peg ng writers ng Dos. Naku, hindi kaya masabon si Angelica dahil sa kanyang post. Ibinuking kasi niya ang sistema na nananaig ngayon sa teleserye ng Dos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending