Sarah kay Piolo: Hiyang-hiya ako pag hinahawakan niya, basang-basa ang kili-kili ko! | Bandera

Sarah kay Piolo: Hiyang-hiya ako pag hinahawakan niya, basang-basa ang kili-kili ko!

Reggee Bonoan - June 24, 2015 - 02:00 AM

piolo pascual

Hindi diretsong sinagot nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo kung natuloy nga ang kissing scene nila sa pelikulang “The BreakUp Playlist” na idinirek ni Dan Villegas para sa Star Cinema.

Ayon kay Sarah, “Abangan n’yo na lang po, mai-in love kayo sa pelikula, mainggit kayo!” Matatandaang nabanggit ni Sarah dati na gusto niyang magkaroon sila ng kissing scene ni Piolo sa kanilang pelikula kaya naitanong uli ito sa aktres, “Sineryoso ninyo naman ako masyado sa sinabi ko, baka naman isipin ni Piolo na pinagpapantasyahan ko siya nang sobra-sobra, konti lang naman, naks! Baka matakot na siya sa akin.

“Ako talagang sobra akong nag-concentrate bilang girlfriend at ex niya (pelikula) kasi sa totoo lang, kung iisipin mo lahat, surreal, eh. Kasi Piolo Pascual hinahangaan ko, napapanood ko sa mga pelikula, sa teleserye, sabi ko nga nu’ng unang eksena namin, ‘Grabe si Piolo ‘yung kausap ko, si Piolo ‘yung kaharap ko! Yun talaga ang goal ko, maging effective ako sa role ko, maging realistic talaga,” paliwanag ng aktres.

Naikuwento rin ni Sarah na, “Sobrang seryoso ni Papa P sa trabaho, kapag nakipagkuwentuhan sa set, napakanatural niya. At hiyang-hiya po talaga ako kapag nahahawakan niya ako, sobra para akong matutunaw, pawis na pawis na ang kili-kili ko, look test palang ‘yan, hiyang-hiya na ako.

“Pero dahil nga po inilagay natin ‘yung kailangan, wala tayong choice dahil nag-commit po tayo, ilalagay mo yung puso mo, isip mo sa character mo. At isang karangalan po na makatrabaho ko ang isang Piolo Pascual,” kuwento ni Sarah.

Inamin ng Pop Princess na nagkaroon na rin siya ng break-up playlist lalo na noong nasaktan siya habang ginagawa nila ni Judy Ann Santos ang pelikulang “Magkapatid”.

As of now ay masaya naman ang puso ni Sarah, pero hindi man niya diretsong sabihin mukhang hindi pa rin talaga “buo” ang relasyon nila ni Matteo dahil aniya, hoping siya na maging maayos na ang lahat ng nangyayari sa buhay niya – in God’s time.

Samantala, bukod kina Sarah at Piolo, kasama rin sa “The BreakUp Playlist” sina Cris Villongco, Mariz Raneses, Teddy Corpuz, Jet Pangan, Dennis Padilla, at Ana Luna. Showing na ito sa mga sinehan simula sa Hulyo 1.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending