Sarah, Piolo bagay na bagay maging magdyowa | Bandera

Sarah, Piolo bagay na bagay maging magdyowa

Reggee Bonoan - June 17, 2015 - 02:00 AM

piolo pacual

Mukhang another monster hit na naman ang pelikulang “The Break-Up Playlist” na idinirek ni Dan Villegas mula sa Star Cinema.

Natuwa kami sa trailer nito na tungkol sa isang law student na gagampanan ni Sarah Geronimo na inalok maging bokalista sa banda ni Piolo Pascual.

The usual, nagkagustuhan ang dalawang bida at maraming struggles na naman silang kakaharapin sa relasyon nila at makakaapekto pa ito sa pag-aaral ni Sarah ng abogasya na pilit siyang itinataguyod ng magulang.

Kaya namin nasabing maghi-hit na naman ito ay dahil nakita naming malakas ang chemistry nina Piolo at Sarah, sino naman kasi ang mag-aakalang puwede pala silang maging magka-loveteam kahit na medyo malayo ang agwat ng kanilang edad, di ba bossing Ervin?

Sigurado kaming hindi ito palalampasin ng milyun-milyong Popster fans ni Sarah, idagdag mo pa ang loyal supporters ni Piolo. Ganitong klaseng pelikula talaga ang tipo ng movie going public ngayon, romantic-comedy-light drama at pa-cute.

Parang hindi na nila type ang mga kuwentong masyadong seryoso lalo’t hindi naman cute o guwapo sa malaking telon ang mga bida at higit sa lahat, kapag wala pa silang chemistry – talagang magsa-suffer nga ang pelikula.

Mapapanood na ang “The Break-Up Playlist” sa Hulyo 1, pero bago ito, panoorin muna natin ang “Just The Way You Are” nina Enrique Gil at Liza Soberano na showing na ngayon sa mga sinehan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending