Horoscope, May 30, 2015 | Bandera

Horoscope, May 30, 2015

Madam Sophia |May 30,2015
facebook
share this

Horoscope, May 30, 2015

Madam Sophia - May 30, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Higit kang mas magiging mapalad sa iba. Ipagpatuloy ang pakikipag-relasyon sa isang Libra. May paglalakbay na itatala at may malaking gastos na kakaharapin. Panahon na upang magtipid. Mapalad ang 3, 12, 19, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Beeja-Om.” Beige at blue ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Sa pag-ibig at salapi, sa tamang pagpapasya pagpapalain ka ng langit, maraming suwerte ang darating. may babala na mamali ka na naman ng desisyon. Upang hindi mamali ng pasya, sundin mo kung ano ang sasabihin ng kasuyong Sagittarius. Mapalad ang 6, 19, 28, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vajur-Veda-Om.” Orange at brown ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Umpisahan ng gumising ng maaga at magsipag. Sa negosyong may kaugnayan sa modernong teknolohiya uunlad ka. Sa pag-ibig, kalimutan na ang kasuyong Aries. Mapalad ang 3, 18, 27, 32, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Siva-Krisna-Rama-Krisna-Om.” Purple at silver ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Samantalahin ang pagkakataon! Ang magandang kapalaran ay lilipas din! Matutong mag-savings. Sa pag-ibig, wag ng ipagpaliban pa ang magagawa ngayon – romansahin ang kasuyong mahilig. Mapalad ang 5, 18, 23, 33, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Gohan-Govinda-Gohan-Rama-Om.” Blue at gray ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Ipagpatuloy ang magandang nasimulan! May malaking halaga ng salapi na darating sa buwan ng Hunyo. Sa pag-ibig, bahaginan ang kasuyo ng anomang grasyang natatanggap upang magpatuloy ang masayang relasyon. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gita-Bhagava-Om.” Pink at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Mag-ingat sa mga matataba! Isang may pagka-chubby ang magtatangkang lumuko sayo – mabilis na pagiwas ang dapat! Sa pag-ibig, iwasang ma-in love sa mga bilugan ang pangangatawan, hindi ka nya mapapaligaya ng husto. Mapalad ang 4, 8, 19, 26, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ayenda-Arham-Om.” Beige at yellow ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)— Hindi nakapagpapayaman ang “kayod-kalabaw” sa halip, negosyong “laway lang ang puhunan” ang magpapayaman sa iyo. Sa pag-ibig, lalakas ang immune system kung laging makikipaghalikan sa kasuyo. Mapalad ang 6, 17, 22, 31, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Loyeh-Om.” Pink at red ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Hindi puwedeng lagi ka na lang tahimik! Ang pakikipagdaldalan sa mga kaibigan ay mabisang therapy. Sa kakukuwento mo sa isang Aquarius, kusang mahuhulog sa iyo ang kanyang loob. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 30, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Harim-Hara-Om.” Maroon at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Red ang mapalad na kulay. Sa pinansyal mas mabilis na darami ang pera kung lagi kang magsusuot ng red. Sa pag-ibig, red din ang kulay na maghahatid ng isang masarap na pag-ibig. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Patrenan-Ayena-Om.” Bukod sa red ang green at buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kung laging nakatikom ang bibig mas maraming pera ang makakamit. Sa pag-ibig, magiging maligaya ang relasyon sa kasuyong Aries kung hindi mo na siya pipintasan. Mapalad ang 1, 12, 23, 36, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Dosya-Om,” Blue at maroon ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Habang papalapit ang tag-ulan, laging maglalabas ng bahay upang masagap mo ang suwerteng dulot ng tubig. Ang mga Capricorn ay likas na sinusuwerte kapag matubig ang panahon. Mapalad ang 3, 16, 21, 33, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Devah-Om.” Orange at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Huwag paglihiman ang kasuyo upang ang relasyon ay hindi mabalaho. Sa pagiging tapat at totoo dagdag na ligaya ang makakamit. Sa pinansyal tuloy ang pag-angat ng kita mula sa mga produktong may kaugnayan sa butil. Mapalad ang 4, 10, 19, 36, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohri-Mohti-Om.” Purple at beige ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Sa panahong ito ng tag-init mainam mamasyal sa mga lugar na matubig. Sa pakikipagrelasyon at pinansyal, kahit na medyo magastos, isabit ang kasuyo sa isang pagbabakasyon upang muling mabuhay ang kanyang libido. Mapalad ang 2, 16, 24, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yhoti-Bhakti-Om.” Green at yellow ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending