Korina, Mar nag-ala Eba at Adan sa kagubatan ng Baguio | Bandera

Korina, Mar nag-ala Eba at Adan sa kagubatan ng Baguio

Ervin Santiago |May 25,2015
facebook
share this

Korina, Mar nag-ala Eba at Adan sa kagubatan ng Baguio

Ervin Santiago - May 25, 2015 - 02:00 AM

mar roxas

Habang naghihintay sa “pagdating” ng kanilang unang baby, pinagpapraktisan na ng mag-asawang Korina Sanchez at DILG Sec. Mar Roxas ang kanilang tatlong alagang aso.

Ang mga pet dogs kasi ang kanilang mga kalaro kapag pahinga sila sa trabaho.Mismong si Korina na ang nagsabi na kakaririn nila ni Sec. Mar ang pagkakaroon ng anak ngayong taon at patuloy silang nagdarasal na sana’y ibigay na ito sa kanila ng Diyos.

Kahit ang kanilang mga pamilya ay atat na atat na ring makita ang bunga ng kanilang pagmamahalan.Pero habang waiting pa sila, patuloy ang pagba-bonding ng mag-asawa, kamakailan nga ay may mga nakakita sa kanila na nagka-camping at nagha-hiking sa kagubatan ng Baguio City.

Kahit nga napaka-hectic ng schedule ng mag-asawa ay talagang naglalaan sila ng oras para sa isa’t isa. Pinagsasabay ngayon ni Korina ang kanyang pag-aaral (tinatapos niya ngayon ang kanyang Masters sa Journalism sa Ateneo) at ang kanyang hosting job sa kanyang long-running weekly magazine show na Rated K, na nagse-celebrate nga ng ika-10 anibersaryo bilang isa sa mga consistent top-rating programs ng ABS-CBN.

Mababaw lang daw ang kaligayahan ng dalawa, mga simple at healthy activities lang ang trip nila tulad ng camping at hiking. Sa isang interview, sinabi ni Korina na hindi nila pinag-uusapan ang kani-kanilang trabaho sa kanilang oras bilang mag-asawa, at enjoy silang manood ng mga pelikula at ng kanilang paboritong mga serye sa telebisyon.

“Nag-enjoy ako kasama si Mar nu’ng nag-camping kami. Sabi nga niya, yun daw ang best vacation na binigay ko sa kanya,” sabi ni Ate Koring. “Isa siyang frustrated na MacGyver.

He’s an all around guy who loves nature and the basics in life. Siyempre he had to teach me the ropes, literally. “Gumamit kami ng madaming lubid para itayo ang aming outdoor shelter.

And he taught me how to tie different kinds of knots, something new and exciting. Rekomendado ko ito sa mga couple na gusto ng bonding. What better way but to rely on just each other and nature, parang Adan at Eba lang,” pahayag pa ni Korina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending