Mich sa mga pasabog ng ina ni Jam: Alam kong lalabas din ang katotohanan! | Bandera

Mich sa mga pasabog ng ina ni Jam: Alam kong lalabas din ang katotohanan!

Cristy Fermin |May 24,2015
facebook
share this

Mich sa mga pasabog ng ina ni Jam: Alam kong lalabas din ang katotohanan!

Cristy Fermin - May 24, 2015 - 02:00 AM

mich and jam

Tama ang ginagawang pananahimik ni Mich Liggayu, ang girlfriend ng namayapang si Jam Sebastian, hinihingi ng pagkakataon ang respetong ibinibigay niya sa ina ng yumao niyang karelasyon.

Ilang beses nang nagsasalita si Mommy Maricar Sebastian, marami itong reklamo laban kay Mich, pero hanggang ngayon ay walang sagot na ibinibigay ang dalaga sa kanyang biyenang hilaw.

Kinalampag siya nito tungkol sa pera ng Jamich, sinosolo lang daw niya ang kinita ng kanilang tambalan sa YouTube, pero wala pa ring ibinigay na reaksiyon ang naiwang girlfriend ni Jam tungkol sa isyu.

At maganda ang kanyang sinabi na hindi niya hawak ang opinyon at desisyon ng ina ni Jam, may karapatang maglabas ng emosyon si Mommy Maricar, nirerespeto ‘yun ni Mich.

Basta para sa kanya ay alam niya ang totoo, wala siyang kahit sinong ginugulangan, hawak niya ang katahimikan ng kalooban.
Ayon kay Mich ay kakampi niya ang panahon, “Darating din naman po ang time na magiging malinaw ang lahat, ‘yun na lang po ang hinihintay ko.

Hahayaan ko lang silang magsalita, kanila ang panahon ngayon, pero lalabas at lalabas din po naman ang katotohanan,” sabi pa ni Mich.

Hindi niya sinadya ang pagpapainterbyu, kailangan lang talaga niyang sagutin ang mga tanong, dahil ihinarap siya sa isang presscon ng TV5 para sa partisipasyon niya sa Wattpad Presents ng network.

Siguradong maligaya si Jam Sebastian sa mga nangyayari ngayon kay Mich Liggayu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending