Ai Ai: Napakaswerte talaga nina Marian at Dingdong sa isa't isa! | Bandera

Ai Ai: Napakaswerte talaga nina Marian at Dingdong sa isa’t isa!

Julie Bonifacio |May 17,2015
facebook
share this

Ai Ai: Napakaswerte talaga nina Marian at Dingdong sa isa’t isa!

Julie Bonifacio - May 17, 2015 - 02:00 AM

aiai delas alas

Natuloy ang pa-thank you concert ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa SM North Skydome last Saturday. As expected, dinagsa ng fans ang concert ni Ai Ai.

In fact, kahit kami ay naubusan na ng tiket para makapanood ng libreng concert niya. Hindi lang namin sure kung dumating sa concert niya ang kanyang “kambal” na si Marian Rivera.

Pero sa kalagayan ngayon ng misis ni Dingdong Dantes, lalong malabo nang makapag-perform pa si Marian sa concert ni Ai Ai. Marami pa namang pagkakataon para magkasama muli sina Ai Ai at Marian.

Una na nga ang nilulutong show nila with Regine Velasquez sa GMA. Lumalim na talaga ang samahan nina Ai Ai at Marian. Say nga ng komedyana, hindi lang daw kaibigan ang turing niya kay Marian kundi parang little sister na niya talaga.

Nagkataon kasi na during the saddest time of her life ay ginagawa nila ni Marian ang pelikulang “Kung Fu Divas.” Dito nai-share lahat ni Ai Ai ang kanyang mga pinagdaanan.

“Parati ko ngang sinasabi sa kanya na, ‘You’re so blessed kasi meron kang asawa. Ito, mabibigyan ka na ng family mo.’ Kaya masayang-masaya ako para sa kambal ko, kasi alam kong masaya siya ngayon na kumpleto na siya,” sabi ni Ai Ai.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending