Simpleng kasal nina Vic at Pauleen hinahanda na; ayaw ng engrande | Bandera

Simpleng kasal nina Vic at Pauleen hinahanda na; ayaw ng engrande

Ervin Santiago |May 06,2015
facebook
share this

Simpleng kasal nina Vic at Pauleen hinahanda na; ayaw ng engrande

Ervin Santiago - May 06, 2015 - 02:00 AM

vic sotto

DIRETSONG sinabi ni Pauleen Luna na totoong napag-uusapan na nila ni Vic Sotto ang kasal. Napi-feel naman daw niya na seryoso rin si Bossing na iangat na sa next level ang kanilang relasyon.

Mahigit tatlong taon na ring magdyowa sina Poleng at Bossing at marami ang umaasa na sa kasalan na mauuwi ang kanilang pagmamahalan. Sey ni Pauleen, ito na rin ang pinakamatagal na niyang pakikipagrelasyon.

Sa presscon ng bagong tomboyserye ng GMA na The Rich Man’s Daughter noong Lunes ng gabi kung saan isa nga si Pauleen sa members ng cast, sinabi ng TV host-actress na seryoso na rin nilang pinag-uusapan ni Bossing ang kanilang wedding.

Pero aniya, wala pa talagang definite plans tungkol dito. Hindi naman daw nila itatago sa madlang pipol ang kanilang pagpapakasal. In fairness, lahat ng dabarkads nila sa Eat Bulaga ay super excited na sa magiging wedding nina Poleng at Bossing, wish nila na sana’y biyayaan din sila ng maraming anak.

At kung matutuloy na nga very soon ang kasal, sey ni Pauleen, simple at intimate wedding lang ang gusto nila. Pareho naman daw kasi sila ni Vic na ayaw nang engrande at bonggang-bonggang kasalan.

Samantala, ikinuwento rin ni Pauleen na nakasama ni Vic ang kanyang mga anak noong mag-celebrate ito ng kanyang birthday sa Boracay noong April 28.

“I arranged his trip, his whole trip. I didn’t pay for it though, it was very expensive, ha! Ako ang nag-ayos ng lahat for his family,” chika ni Poleng.

Kabilang na nga rito sina Danica at Oyo (mga anak niya kay Dina Bonnevie), Vico (anak niya kay Coney Reyes), at Paulina (anak niya sa dating aktres na si Angela Luz).

E, paano naman sila nag-celebrate ni Bossing? “When they got back (mula sa Boracay), we just had a simple dinner. Ganu’n lang naman kami, e, masaya lang kaming nanonood ng TV, kain-kain.”

No comment naman si Pauleen nang matanong kung totoong nagpapagawa na ng bahay si Vic para sa kanilang magiging pamilya, “Siya na lang po ang tanungin n’yo tungkol diyan,” sabay ngiti ng pagkatamis-tamis.

Masaya ring ibinalita ng Eat Bulaga host na okay na okay na sila ng mga anak ni Bossing, lalo na nina Danica at Oyo na napabalita noong hindi boto sa kanya para kay Vic.

Sey pa ni Poleng, “With Vico and Paulina, I can say that we have a good relationship naman. Though we don’t get to hang out that often or, like, we don’t have that time talaga na makapag-bonding.

“But whenever we see each other, we’re okay. We have some short talks, small talks, and okay naman,” sey pa ng dalaga.
Sinasabihan ba siya ni Bossing na mag-effort para maging close rin siya sa mga anak nito? “Well, ang hiling lang niya sa amin lahat is magrespetuhan, most importantly.

So, if mag-bloom man into something really beautiful yung relationship, that would just be a very nice bonus.” Dugtong pa nito, “I just take things as they are. Hindi ko pinipilit ang sarili ko na magustuhan nila.

I just let things unfold. So far, okay naman. Tsaka ang time naman, hindi naman ‘yan makapagsisinungaling. I’m very confident naman na, one day, magiging plantsadong-plantsado lahat,” sey ni Pauleen.

Maganda at challenging naman ang magiging role ni Pauleen sa The Richman’s Daughter, ang comeback TV series sana ni Marian Rivera sa GMA 7 pero dahil nga nabuntis na ito ay nagdesisyong huwag nang ituloy ang proyekto.

Kay Rhian Ramos napunta ang soap opera. Gaganap na kontrabida si Pauleen sa serye at magiging sunud-sunurang asawa ng karakter ni TJ Trinidad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero habang tumatagal ay magiging palaban siya matapos mabuking ang mga lihim ng pamilya ng kanyang mister. Magsisimula na sa May 11 ang The Richman’s Daughter kung saan makakasama rin sina Glaiza de Castro, Luis Alandy, Chynna Ortaleza, Katrina Halili, Mike Tan, Sheena Halili, Paolo Contis, Gloria Romero at marami pang iba, sa direksiyon ni Dominic Zapata.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending