Sa panahon ng tag-ulan magkaka-BF | Bandera

Sa panahon ng tag-ulan magkaka-BF

Joseph Greenfield |May 05,2015
facebook
share this

Sa panahon ng tag-ulan magkaka-BF

Joseph Greenfield - May 05, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Cathy ng Cherry Blossom Village, Tambo, Iligan City

Dear Sir Greenfield,

Twenty-five years old na po ako sa darating na June 25, pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend. May mga nanliligaw naman po sa akin kahit na papaano ang kaso hindi sila seryoso.
Sa totoo lang sa edad kong ito never been kissed never been touched pa rin po ako.
Kaya ask ko sana kung sa taon kayang ito ng 2016 ay magkaka-boyfriend na ako?
Kung magkaka-boyfriend na ako sino siya at kailan ko po kaya siya makikilala at aabot kaya siya sa birthday ko?

Umaasa,
Cathy ng Iligan City

Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Mapalad ka dahil may namataan namang malinaw na Guhit ng Pakikipag-boyfriend o Guhit ng Pakikipag-relasyon (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad.
Malinaw na tanda na hindi ka maiinip, sa malapit na hinaharap, matutupad din ang malaon mo nang wish – sa taon ding ito ng 2016 sa edad mong 25 pataas bigla kang magkaka-boyfriend.

Cartomancy:

Six of Hearts, Ace of Hearts at King of Clubs ang lumabas (Illustration1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ding ito ng 2014 sa buwan ng Hunyo, sa edad mong 25 pataas, isang lalaking kasing edad mo rin ang iyong magiging boyfriend.

Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending