Horoscope, April 26, 2015 | Bandera

Horoscope, April 26, 2015

Madam Sophia |April 26,2015
facebook
share this

Horoscope, April 26, 2015

Madam Sophia - April 26, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Wag makinig sa mungkahi ng iba. Sa sariling diskarte mas kikita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, isang Virgo ang may lihim sayong pagnanasa, – sunggaban mo agad upang ikaw ay lumigaya. Mapalad ang 5, 8, 26, 35, 44, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Malka-Tetra-Om.” Green at beige ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) – Hindi mauubos ang salapi, matuto kang mamigay! Regaluhan ng bagong unit ng cell phone ang kasuyo. Sa pinansyal, habang namimigay, tuloy ang pasok ng mas maraming pera. Mapalad ang 5, 17, 24, 31, 39 at 46. Mahiga mong mantra: “Aum-Raga-Om-Kastha-Om.” Red at gray ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) – May babala ng karamdaman! Dagdag na pahinga at inom ng maraming tubig ang kailangan upang wag ma-heat stroke. Sa pag-ibig, kapag hindi ka muling nagpa-sexy, baka maghanap ng iba ang kasuyo mahilig. Mapalad ang 3, 6, 14, 31,33, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yantra-Om-Dosha-Om.” Maroon at purple ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) – Gawin ang pinaka-the-best! Sa pag-ibig, yakapin ng mahigpit ang kasuyo at mga mahal sa buhay, ito ang huling araw upang ipadama ang iyong pag-ibig. Sa pinansyal, sikaping kumita ng mas malaking halaga at piliting yumaman. Mapalad ang 7, 18, 26, 33, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Blue at green ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) – Magbagong buhay ngayon! Sa pag-ibig bagong ka-relasyon na isang Scorpio ang dapat. Sa pinansyal, bagong negosyong may kaugnayan sa lamang-tubig ang magbibigay ng malaking pag-unlad. Mapalad ang 4, 18, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om.” Green at red ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) – Kailangan patawarin ang mga taong nagkasala sa iyo. Sa ganyang paraan, mas maraming biyaya ang darating. Sa pag-ibig, isang nilalang na naka-kulay dilaw ang may lihim sayong pagnanasa. Mapalad ang 9, 18, 24, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Namah-Mitra-Om.” Bukod sa orange buenas ang yellow.

Virgo – (August 23 – September 22) – Kailangang sumiksik sa isip ang pagiging materyoso upang umunlad at umasenso. Sa pag-ibig, hindi dapat kontrahin ang suwestiyon ng minamahal. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Kesar-Khangaya-Kapor-Om.” Blue at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) – Baguhin ang maling sistema. Sa pagbabago at dagdag na inobasyon, mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, bagong romansa ang kailangang matuklasan, upang uminit muli ang pagmamahalan. Mapalad ang 3, 18, 22, 28, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om”. Pink at gold ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) – Pagpasensiyahan ang kasuyong walang kuwenta, darating ang panahong titino din siya. Sa pinansyal, talagang ganon wala talagang ibang maaasahan kundi ang sarili mo. Dagdagan pa ang pagsisipag upang umasenso. Mapalad ang 9, 18, 28, 33, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath.” Red at purple ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) – Ang elementong init ang nagbibigay ng magandang kapalaran. Sa pag-ibig romansahin ng romansahin ang kasuyo habang kayo ay nagswi-swimming. Sa pinansyal, sa kalakal na ginagamitan ng apoy malaking halaga ang kikitain. Mapalad ang 3, 9, 23, 27, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Beige at lilac ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) – Sopresa ang magaganap! Kung kailan walang-wala biglang darating ang malaking halaga ng salapi. Sa pag-ibig, mag-ingat may babala na mabisto kana ng iyong kasuyo. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahigawa mong mantra: “Om-Agiel-Om-Ophiel.” Red at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) – Sa pinansyal, tuloy ang pag-angat ng kita, ngunit nakakataka kung bakit hindi ka lubusang masaya? Sa pag-ibig, tama ang iyong sapantahan, sa isang Libra matatagpuan ang tunay at wagas na ligaya. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at lilac ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) – Aksyon ang dapat upang umunlad at lumigaya. Kung hindi ka kikilos ng kikilos, paano darami ang pera? Sa pag-ibig, sipagan pa ang pakikipagniig sa kasuyong nanlalamig. Mapalad 3, 9, 18, 27, 42 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Migeta-Dosha-Om.” Red at violet ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending