Horoscope, April 19, 2015 | Bandera

Horoscope, April 19, 2015

Madam Sophia |April 19,2015
facebook
share this

Horoscope, April 19, 2015

Madam Sophia - April 19, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: “Power at authority” ang kailangan upang magtagumpay. Sa pamamagitan ng kapangyarihan yayaman ka. Sa pag-ibig, sa pamamagitan ng kapangyarihan mapapasayo ang wagas na kaligayahan. Mapalad ang 1, 4, 13, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om.” Gold at purple ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) – Mas madaling umuunlad ang isang Aries kung pananatiliin ang pagiging isip bata. Sa pinansyal, kalakal na pam-bata ang magpapayaman sa iyo. Sa pag-ibig, bagay na bagay sa iyo ang kasuyong Sagittarius. Mapalad ang 3, 21, 36, 38, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Savitra-Om.” Violet at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) – Anoman ang iyong binabalak, wag umasa sa pangako, mapu-frustrate ka lang! Hanggat hindi pa hawak ang pera, hindi ka dapat pumanatag. Sa pag-iibig, wag mo rin namang pangakuan ang iyong kasuyo na hindi mo naman tinutupad. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Sutra-Om.” Red at beige ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) – Pumapangit talaga ang tao! Pagtsagaan ang kasuyong nagkakabilbil at lumaki na ang tiyan! Konting exercise pa, muling i-slim ang pangangatawan. Sa pananalapi, kahit wag ng pumunta sa gym, maglakad ng isang oras araw-araw sa paglalakad o kaya’y pagba-bike, sapat na yon upan gumandanbg muli ang iyong pangangatawan. Mapalad ang 1, 8, 10, 29, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yantara-Pad-Meh-Om.” Blue at white ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) – Mas madaling umuunlad ang isang Cancer kung pananatiliin ang pagmamahal sa pamilya. Laging isaisip ang kinabukasan ng pamilya upang yumaman. Sa pag-ibig, upang umunlad at lumigaya humanap ng kasuyong Capricorn. Mapalad ang 2, 11, 16, 25, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arjuna-Garuda-Om” Green at beige ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) – “Sun” ang ruling planet ng mo, kaya nga’t basta’t lagi mong inunahan a pagising ang haring raw mas madaling uunlad ang iyong buhay. Sa pag-ibig, bukod sa Sagittarius, ka-compatible mo rin ang isang Aries. Mapalad ang 1, 10, 19, 28, 46 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Savitra-Udatta-Om.” Yellow at peach ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) – Alalahanin mong kung lagi kang nakakasakit ng damdamin, liliit ang iyong kita. Sa pag-ibig, hindi ikaw ang laging magaling, kaya dapat na pagbigyan mo ang katuwiran at suwestyon ng iyong kasuyo. Mapalad ang 5, 9, 14, 18, 32, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Om.” Sky blue at gold ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) – Wag matakot na tumaba at bumilog ang pangangatawan, dahil habang nagiging-chubby, ang isang Libra lalo siyang yayaman. Sa pag-ibig, wag namang magpaka-lumba-lumba, dahil baka iwanan ka nang kasuyong Virgo. Mapalad ang 6, 18, 22, 29, 35, at 44. Mahiwga mong mantra: “Ubur-Minna-Galla-Om”. Red at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) – Higit na yumayaman ang isang Scorpio kung pananatiliin ang mahabang buhok. Sa pag-ibig, humanap ka ng kasuyong mahaba ang buhok, o balbon ang balahibo – sa kanya ka makakatikim ng isang masarap na romansa. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at beige ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) – Sa pinansyal, lilipas din ang problema sa salapi at pagkatapos, yayaman ka na uli! Sa pag-ibig, panatiliin ang pagiging sexy upang hindi iwanan ng kasuyong Taurus. Mapalad ang 6, 17, 23, 26, 34 at 39. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yasoda-Dosya-Om.” Green at red ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) – Laging isiping walang personalan! Sa ganyang konsepto ng isipan, lalaya ka sa mapangit na pinagdaana. Kapag nalimot na ang nakaraan, magsisimula ka ng yumaman. Sa love life, wag ng sariwain pa ang mga nakaraang kalungkutan. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Venit.” Yellow at lilac ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) – Kahit malungkot ang buhay, hindi ka dapat magpa-epekto sa mga kasalukuyang pangyayari. Ituloy ang ugaling, “walang paki-alam” sa ganyang paraan, mas madali kang uunlad at yayaman. Sa pag-ibig, ang pagiging sobrang romantic ang magdudulot ng kabiguan. Mapalad ang 2, 11, 29, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ananda-Magra-Om.” Beige at green ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) – Upang umunlad ang isang Pisces kailangang lagi siyang magdasal. Taimtim na manalangin sa araw at gabi upang mas madali kang umunlad. Sa pag-ibig, laging yayain ang kasuyo sa simbahan at iba pang bahay dalanginan. Mapalad ang 3, 7, 13, 25, 33, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Regama-Om.” Violet at white ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending