Ika-5 panalo asinta ng Philips Gold, Shopinas | Bandera

Ika-5 panalo asinta ng Philips Gold, Shopinas

Mike Lee |April 18,2015
facebook
share this

Ika-5 panalo asinta ng Philips Gold, Shopinas

Mike Lee - April 18, 2015 - 01:30 AM

Mga Laro Ngayon
(Alonte Sports Arena)
2:30 p.m. Foton vs Philips Gold
4:30 p.m. Mane ‘N Tail vs Petron
6:30 p.m. Cignal vs Shopinas
Team Standings: Petron (8-0); Shopinas (4-3); Philips Gold (4-4); Foton (3-4); Mane ‘N Tail (2-5); Cignal (1-6)

TITINDI pa ang labanan sa hanay ng Shopinas at bumabangong Philips Gold para sa mahalagang ikalawang puwesto sa 2015 Philippine SuperLiga (PSL) All-Filipino Conference sa pagsalang ng dalawang koponan sa magkahiwalay na laro ngayon sa Alonte Sports Arena sa Biñan City, Laguna.

Katipan ng Lady Clickers ang Cignal HD Lady Spikers sa ikatlo at huling laro dakong alas-6:30 ng gabi at nais nilang kapitan pa ang ikalawang puwesto sa ligang inorganisa ng SportsCore katuwang ang Asics, Mikasa, Senoh, Mueller Sports Medicine, Via Mare, LGR at Healthway Medical.

May 4-3 karta ang Shopinas at kailangang manalo dahil ang isang kabiguan na sasabayan ng panalo ng Philips Gold sa Foton sa unang laro sa ganap na alas-2:30 ng hapon ang magtutulak para sa Lady Slammers na agawin pansamantala ang ikalawang puwesto.

Ang mangungunang dalawang koponan matapos ang classification round ay aabante na sa semifinals at ang maiiwang apat na koponan ay sasalang sa knockout quarterfinals.

Ang Petron na hindi pa natatalo matapos ang walong asignatura ay pasok na sa semifinals. Kalaro ng Petron ang Mane ‘N Tail dakong alas-4:30 ng hapon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending