Horoscope, March 06, 2015 | Bandera

Horoscope, March 06, 2015

Madam Sophia |March 06,2015
facebook
share this

Horoscope, March 06, 2015

Madam Sophia - March 06, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Kahit may malaking gastusin, maglaan ng salapi para sa pag-iipon. Isipin mo, baka ang mangyari ay masaya ka nga, ubos naman ang iyong pera. Sa pag-ibig, kung sino ang magbigay ng regalo na kulay “green or red” siya ang tunay na nagmamahal sa iyo. Mapalad ang 3, 8, 18, 27, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bis-Vivit-Qui-Benit.” Red at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Panatiliin ang pagiging humble upang lalo pang magdagdagan ang income. Sa pag-ibig, magkukunwari mas magaling sa iyo ang iyong kasuyo upang mapalapit nang husto ang loob niya sayo. Mapalad ang 9, 18, 27, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Perfer-Et-Obdura-Obdura-Et-Perfer.” Red at violet ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Magpasalamat ka sa mga taong tumutulong sa iyo! Panahon na upang abutan ng konting pera ang mga taong ito. Sa pag-ibig, sa pagiging mabait at mabuti ay makakatagpo ka rin ng true love. Mapalad ang 1, 18, 26, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Una-Salus-Salus-Una.” Pink at yellow ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Sa negosyo, umpisahan nang mangalakal sa ibat-ibang lugar. Sa pag-ibig, paghandaan ngayon pa lang ang paglalakbay sa Boracay. Mapalad ang 7, 19, 27, 35, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Nulli-Secundus-Nulli-Secunda.” Yellow at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Bakit hindi mo magawang ipatupad ang magagandang balak upang lumago ang kabuhayan? Now na, kumilos ka na agad! Sa pag-ibig, kumbinsihin ang kasuyo sa isang venture na kikita kayo ng malaking halaga. Mapalad ang 2, 11, 20, 29, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Cras-Credemus-Credemus-Cras.” Green at blue ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Iwasan ang ugaling mahilig manghingi. Mas kikita ng malaking halaga kung tatayo ka sa sarili mong mga paa ng walang ibang inaasahan. Sa pag-ibig, huwag bigyan ng sama ng loob ang kasuyo – halikan mo siya sa lips! Mapalad ang 1, 13, 25, 33, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aut vincer aut mori.” Yellow at red ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Ang pagkilos na mabagal ay hindi magdadala ng tagumpay. Bilisan ang pag-iipon ng pera. Sa pag-ibig, kapag nag-init ang kasuyo ay sunggaban agad. Mapalad ang 5, 18, 25, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Viam-Inveniam-Faciam.” Green at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Unahing pakisamahan ang mga taong nakapaligid sa iyo, sa kanila ka kikita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, pasalubungan ng mamahaling cake ang kasuyo upang matuwa naman siya sa iyo. Mapalad ang 2, 7, 10, 19, 30, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Quando-Et-Cui-Cui-Et-Quando.” Blue at beige ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Ang pag-iipon ang sure step patungo sa masaganang kinabukasan. Sa pag-ibig, magpatago ng pera sa minamahal. Mapalad ang 1, 18, 28, 38, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Crede-Quod-Habes-Et-Habes.” Green at yellow ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Upang mas madaling pumasok ang suwerte, paliwanagin ang buong paligid. Lagyan ng ilaw ang mga bahagi ng bahay na madilim. Sa pag-ibig, lalong sasarap ang romansa kung gagamit ng kulay na ilaw na kulay pula. Mapalad ang 8, 15, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Cineri-Gloria-Sera-East.” Bukod sa pula mapalad ang violet.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Iwaksi ang kayabangan! Sa pagpapakumbaba ay mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, hayaang ang estilo ng kasuyo na matupad. Mapalad ang 4, 14, 17, 29, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Dimidium-Facti-Qui-Habet.” Blue at brown ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pamamagitan ng masayahing aura, kikita ng malaking halaga. Panatiliin ang pagiging palangiti at masaya. Sa pag-ibig, lalong iinit ang relasyon kung patatawanin ang kasuyo. Mapalad ang 5, 14, 27, 35, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Hahalakhak ako sa daigdig at ako ay magwawagi at mananaig!” Red at green ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Mabilis talagang maubos ang salapi kaya konting tipid muna! Sa pag-ibig, matamlay ang kasuyo, abutan siya ng malaking halaga upang siya ay sumigla. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 40 at 46. Mahiwaga mong manrta: “Bis-Vincit-Que-Victoria-Vincit.” Gold at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending