B-day wish ni Julia: Magkabati na sana ang magkakaaway sa pamilya Barretto | Bandera

B-day wish ni Julia: Magkabati na sana ang magkakaaway sa pamilya Barretto

Ervin Santiago |March 04,2015
facebook
share this

B-day wish ni Julia: Magkabati na sana ang magkakaaway sa pamilya Barretto

Ervin Santiago - March 04, 2015 - 09:00 PM

julia barretto
“I’d like to believe that it’s the purpose of my debut!”

Ito ang naging pahayag ni Julia Barretto nang tanungin kung okay ba sa kanya ang maging tulay para magkabati-bati na ang kanyang mommy na si Marjorie Barretto at dalawang tiyahin na sina Claudine at Gretchen.

Kahapon sa presscon na ibinigay ng Star Magic kay Julia para sa bonggang celebration ng kanyang 18th birthday sa March 10 na gaganapin Rizal Ballroom, Makati Shang-ri La Hotel, sinabi nitong isa sa mga wish niya ang magkaayos na ang lahat ng may issue sa kanilang pamilya.

Sa katunayan, inimbita raw niya ang lahat ng members ng Barretto clan, kabilang na sina Greta at Claudine na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaayos.

Sey pa ng young actress, sino ba naman ang ayaw na makita ang mga mahal niya sa buhay na magkakasundo. Pero tumanggi si Julia na sagutin kung ano ang reaksiyon niya sa balitang nagkabati na ang mommy niya at si Claudine, hindi naman daw niya isyu yun kaya wala siyang karapatang magsalita tungkol dito.

Hangga’t maaari raw ay ayaw niyang makialam sa mga isyung hindi naman siya involved. Sinabi rin ni Julia na okay na okay sila ni Claudine, “Never naman kaming nagkaisyu, we’re fine, and malaki ang respeto ko sa kanilang lahat.” Dagdag pa ng dalaga, sana raw ay makasama niya ang lahat ng taong mahalaga sa buhay niya sa kanyang 18th birthday.

Tungkol naman sa tatay niyang si Dennis Padilla, kumpirmado na ang pagdalo nito sa kanyang debut at magiging bahagi pa ng 18 Roses (first dance).

Hindi rin daw totoo na ginagamit lang niya si Dennis para mapag-usapan ang kanyang debut at matigil na ang kanegahan sa kanyang career. Aniya, “Why would I do that, he’s my father, at gusto ko lang maging maayos kami kasi tatay ko siya at mahalaga siya sa akin.”

Anyway, bukod kay Dennis, ang ilan pang male celebrities na kasama sa 18 Roses sa debut ni Julia ay sina Matteo Guidicelli, Rayver Cruz, Enchong Dee, Khalil Ramos, Robi Domingo, Sam Concepcion, John Lapus, Enrique Gil at Inigo Pascual na siyang magiging last dance ng debutante.

Kasama naman sa 19 (not only 18) Candles sina Erich Gonzales, Pokwang, Liz Uy, Janella Salvador, Liza Soberano at Maja Salvador. Si Michael Cinco naman ang gagawa ng kanyang gown.

Samantala, mapapanood ang kabuuan ng engrandeng debut ni Julia sa birthday special niyang Just Julia: Beautiful@18 sa Sunday’s Best ng ABS-CBN sa March 29 after Gandang Gabi Vice. Kaya ‘yan ang abangan n’yong lahat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending