Makakapunta ba sa Canada? | Bandera

Makakapunta ba sa Canada?

Joseph Greenfield |March 04,2015
facebook
share this

Makakapunta ba sa Canada?

Joseph Greenfield - March 04, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Charity Lasang, Riverside, 

Dumaguete City
Dear Sir Greenfield,

Dati na akong nag-abroad sa Hong Kong bilang D.H. for almost five years at naka-ipon naman ng konti, pero ayaw ko na magblik doon, dahil may invitation ko sa ngayon galing sa pinsan kong OFW din sa Canada naman. Sabi nya sa akin mag-aplay daw ako sa Canada at tutulungan nya daw akong makapunta don. Pero kailangn daw munang mag-Hong Kong muli ako at pag nandon na ako mas madali na daw akong makakarating ng Canada.

Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo Sir Greenfield upang itanong kung sakaling bang mag Hong Kong uli ako totoo kaya matutulugan ko ng pinsan ko na makapunta sa Canada? At nasa guhit kaya ng palad ko ang makapag-Canada? August 14, 1983 ang birthday ko.
Umaasa,
Charity ng Dumaguete City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Kapansin-pansin ang mahaba at malinaw na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, Oo nga’t nakapag-Hong Kong o nakapag-abroad ka na, tunay ngang marami pang mga pangingibng bansa ang nakatakdang itala sa iyong kapalaran.

Cartomancy:

Queen of Diamonds, Ten ofHeart sat King of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang babae at isang lalaki, darating ang takdang panahong makapagka-Canada ka at magiging maalwan at masagana ang buhay mo sa nasabing bansa.

Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending