Maja gustong mang-away at magwala pag may monthly period | Bandera

Maja gustong mang-away at magwala pag may monthly period

Reggee Bonoan - March 02, 2015 - 02:00 AM

maja salvador
Walang kiyems ito bossing Ervin, sa tuwing may presscon tayo na may giveaways na Sisters Sanitary Napkins ay masaya kami kasama ang mga katotong gumagamit nito dahil bukod sa makakatipid ka na ay maganda talaga ito kumpara sa iba na talagang may dalang kati-kati.

Kaya nu’ng banggitin sa amin ng katotong Dominic Rea at ng may-ari ng Sisters na si Gng. Aileen Go na mamamahagi sila ng kanilang mga produkto sa presscon ni Maja Salvador sa muli nitong pagbabalik bilang endorser ay talagang natuwa kami.

Limang taon ding nawala si Maja bilang ambassadress ng Sisters Sanitary Napkin dahil sumubok naman ng ibang endorser ang Megasoft Company. Anyway, nagkuwento si Maja sa ginanap na presscon na kapag may buwanang dalaw siya ay marami raw siyang nararamdaman.

“Yun ang mahirap sa aming mga babae. Kapag nandiyan na ang monthly visitor namin, kung anu-ano na ang nararamdaman namin. Hindi mo ma-explain ang mga nararam­daman mo. Parang gusto mong umiyak, magsungit, mang-away. Kulang na lang maging bayolente ako.

“Grabe ang cravings ko kapag meron ako. Gusto kong kainin ang kahit ano. Kaya feeling bloated ako after my period kasi nga kain ako nang kain. Kaya ang hirap maging babae talaga!” kuwento ng dalaga.

Maraming bumilib sa ipinakitang Omnibus campaign ng Sisters na “I Heart Sisters” dahil kakaiba ang concept nito. Ipinakita kasi ang pagkakaisa at iisang problema ng mga babae na kumakatawan ng iba’t ibang antas sa buhay, may nars, maestra, may Muslim, may lesbian at artista.

Paliwanag ni Maja, “Importante na magkaisa kaming mga babae dahil pare-pareho ang mga pinagdaraanan namin. Bata, matanda man, mga babae kami na iisa lang ang mga nagiging problema.

“Kaya maganda ang ginawa ng Sisters dahil nalalaman na ng marami kung ano ang nagaganap sa amin physically, emotionally at mentally. Kailangan lang namin na may makinig at magbigay ng mga payo,” anang dalaga.

At dahil sa napakandang kampanyang ito ng nasabing produkto ay sobrang nagpapasalamat si Maja sa Megasoft dahil muli siyang kinuha bilang endorser.

Samantala, suportado ng Sisters ang bagong TV project ni Maja sa ABS-CBN na may titulong Bridges of Love kasama sina Paulo Avelino at Jericho Rosales na ipalalabas na ngayong Marso.

Kuwento ni Maja, “excited akong maipakilala na sa inyo si Mia Sandoval, ‘yung karakter niya, kasi ano ‘yung nasa likod na ‘yun ng pagsasayaw na ‘yun? Ano ‘yung iniiyak niya du’n sa pagsasayaw niya? Bakit ganun klase siyang babae?”

Ibinuking din ng aktres na hindi pala siya ang first choice sa nasabing role, “itong Bridges of Love, actually, ipini-pitch pa ito sa ibang artista kasabay ng The Legal Wife.

Kay Anne Curtis talaga dapat ito kaya lang nag-Dyesebel kasi siya and then, hanggang sa, parang hindi ko na alam ang nangyari, and then, in-offer nga sa akin.

“So, I’m very thankful and blessed na parang ‘di ba, kasabay nito pini-pitch sa ibang artista tapos ngayon, nag-end din sa akin,” masayang sabi ni Maja.

Hiningan naman ng reaksiyon si Maja sa tweet ni The Voice coach Lea Salonga na gandang-ganda ito sa mukha niya,  “Wow! Coming from Ms. Lea! Feeling ko po kasi, nu’ng nag-tour kami sa US, nabola-bola ko si Ms. Lea” tumatawang sagot ni Maja.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa, “pero coming from Miss Lea, ang saya naman nu’n, hindi ko po alam ang sasabihin ko, coming from Miss Lea na parang hindi rin siya tumatanda, thank you, thank you Ms. Lea, sobrang na-appreciate ko po dahil na-appreciate n’yo po ‘yung mukha ko, thank you!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending