Jodi, Jolo naghiwalay dahil sa relihiyon , pero nagkabalikan din | Bandera

Jodi, Jolo naghiwalay dahil sa relihiyon , pero nagkabalikan din

Reggee Bonoan |March 02,2015
facebook
share this

Jodi, Jolo naghiwalay dahil sa relihiyon , pero nagkabalikan din

Reggee Bonoan - March 02, 2015 - 02:00 AM

jodi sta maria

NASA get together kami kasama ang high school friends namin noong Sabado ng gabi ng makatanggap kami ng sunud-sunod na mensahe at tawag mula sa aming patnugot na si bossing Ervin – nag-suicide raw si Jolo Revilla.

Hindi kami makapaniwala dahil kilala namin ang Bise Gobernador ng Cavite na malakas ang loob, palaban at walang inuurungang problema.

Ilang minuto lang ay nakatanggap kami ng official statement ng spokesman ng Revilla Family na si Atty. Raymund Fortun.
“At 9 am today at Ayala Alabang, Vice Governor Jolo Revilla suffered a single gunshot wound on his right chest after he accidentally fired a .40 Glock handgun while cleaning the same.

“Vice Governor Revilla is currently under observation and medication at Asian Hospital in Muntinlupa. He will remain in the hospital for at least the next 48-72 hours.

The Revilla family asks for prayers for his speedy recovery,” sabi pa ni Atty. Fortun. As of this writing ay stable na ang kundisyon ni Jolo.

Pero may dalawang bersyon na nakarating sa amin kaya nagbaril daw si Jolo: sobrang depress daw ito sa nangyari sa amang si Sen. Bong Revilla na kasalukuyang nakapiit sa Camp Crame.

At ang ikalawang version ay may pinagdadaanang problema raw sina Jolo at ang long time girlfriend niyang si Jodi Sta. Maria. Nagkaroon daw ng pagtatalo ang magkasintahan  na may kinalaman sa kanilang pananampalataya, devoted Catholic si Jolo at Christian naman si Jodi.

“Nagkahiwalay, pero nagkabalikan din, hindi ko lang alam kung ‘yung pagbabalikan nila ay tulad pa rin ng dati kasi parang bihira sila magkita na tapos kung magkita, laging may diskusyon,” kuwento ng taong malapit sa dalawa.

Sinubukan naman naming tawagan ang ilang taong malapit kay Jodi kahapon pero hindi kami sinasagot. Sa pakiwari namin kung totoong may pinagdadaanang problema sina Jolo at Jodi ay ito ang nagbunsod sa bise gobernador na barilin ang sarili dahil kilala namin ang binatang ama na kapag nagmahal ay todo-todo-walang preno, sabi nga, all mine to give ang anak nina Sen. Bong at Rep. Lani Mercado.

Saka sinabayan pa ng problema sa amang nakapiit at marahil marami rin siyang suliranin sa lalawigan ng Cavite kaya nagsabay-sabay na at hindi na kinaya ng dating aktor.

Panalangin namin ang agarang paggaling ni Jolo dahil maraming nagmamahal sa kanya lalung-lalo na ang anak niyang si Gab. Kaya mo ‘yan, Jolo huwag kang susuko!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending