Manager ni Mocha walang kwentang kausap; pera-pera ang laban | Bandera

Manager ni Mocha walang kwentang kausap; pera-pera ang laban

Jobert Sucaldito |February 01,2015
facebook
share this

Manager ni Mocha walang kwentang kausap; pera-pera ang laban

Jobert Sucaldito - February 01, 2015 - 03:00 AM

mocha girls
WE almost saw how sexy singer Mocha and her group grow in showbiz. Nu’ng nagsisimula pa lang ang grupong ito, I may say na isa ang radio show namin sa mga unang pinuntahan ng sexy singer na ito para mag-promote at magpakilala.

Kasi nga, galing Doha, Qatar ang batang ito and that time she wanted to make a name for herself dito sa Pilipinas. Kami naman, since mahilig naman kami talagang tumulong sa mga baguhang artists, binuksan namin kaagad ang aming tahanan para makatulong sa mga katulad ni Mocha.

And in fairness to this girl, to this day ay mabait talaga. Malambing, palabati and sincere. Just like any artist, she worked really hard — always put her best foot forward kaya kahit paano ay nakilala siya.

And in fact, slightly ay in demand siya sa mga gigs and special shows. Anyway, we always bump into her manager Byron (Lor Byron Cristobal ang FB name niya) at nung bago-bago pa lang sila, we find him very accommodating and friendly.

He even calls me tito — hanggang ngayon ay tito pa rin naman ang tawag niya sa akin. Ha-hahaha! And there were a couple of times na nakukuha namin ang services nila for some events — nagbabayad naman kami, never free kasi nga we know naman the situation of every artist na nagpi-perform.

It may not be as huge as other talent fees sigurong tinatanggap nila sa ibang promoters/producers pero we make sure that they get something from us.

And we always have them in mind — kahit hindi man namin sila nakukuha nang madalas, dahil sa pagmamahal namin sa kanila, we recommend them to other producers and say nice things about them sa mga programs namin and columns sa mga newspapers that we write for.

Kasi nga, itinuturing namin silang anak-anakan despite the so many negative reports we receive from other promoters about them, deadma kami — we still protect them.

But now, it’s different na. Parang nag-iba na ang ihip ng hangin lalo na sa manager nilang si Byron who rule their game. Pag meron kaming inquiry sa kanila, we feel na we’re given some run around.

Para namang super-booked talaga sila na tuwing mag-i-inquire ka of their availability ay palaging sasabihin ni Byron na meron silang tentative booking.

And it takes days bago ka niya balikan for updates. Ang palaging consensus ay baka puwedeng itaas ang talent fee. Palaging ganoon. So, ang ginagawa namin, since hindi naman kami ang producers ng ilang shows na ito, pinakikiusapan namin sila about increase sa talent fees na niri-request nitong Byron for her Mocha Girls.

Usually, nagdadagdag sila pero not much but this Byron wants more. As in, ‘yung parang imposibleng mangyari. ‘Yung sa amin lang naman, kami na ang nakikiusap kay Byron na hanggang doon na lang ang kaya pero sasabihin na naman niya na babalikan na lang niya kami pag hindi natuloy ang naka-pencil push na schedule nila sa iba.

Parang ang sakit naman noon, di ba? Parang ibang tao kami — parang hindi niya kasamahan sa industriyang ito na kahit paano naman ay nakatulong sa kanila in one way or the other.

Puro pera-pera na lang ba talaga ang labanan dito? Wala na bang konting pakisama? Kasi kung ganoon, call naman kami sa ganoong sistema. Sabihin lang nila.

Kasi kami, hindi namin tatanawing utang na loob ang magbigay sa kanila ng shows palagi kung pera-pera lang din naman pala ang magiging tema rito. Paano iyon? Sila na lang ang kikita?

Hindi man lamang kami mabibigyan ng konting chance na makapagpatong sa producers para  kumita naman kami kahit konti.
Gumagastos kami sa phone calls – sa oras na ginugugol namin para maisara ang deals, di ba? Kahit barya-barya lang naman ang kinikita namin para sa mga bookings na ito ay pinagtitiyagaan namin kasi sayang din.

Pero if he charges that high kahit kami na itong kausap nila (hindi biro ang involved na booking fees na ito ha — ‘yung huli kong booking na P75,000 offer ay gusto niyang gawing P100,000 para ma-cancel daw niya ang isang naka-tentative kaso hindi talaga kaya ng producer ko.

Anik-anik lang namang booking iyon at 6 p.m. So-so show lang naman iyon. Kumbaga, kung me booking pa sila later that night since 45 minutes lang naman na performance ang niri-request ko, puwede pa silang humabol sa anumang gig nila sa gabi dahil malapit lang naman ang Talisay, Batangas.

Pero talagang pinahihirapan pa ako. I called him and told him na iyon lang ang kaya ng produ ko at naloka ako sa sagot niyang itsi-check niya kung maka-cancel pa niya ang naka-tentative niyang booking.

I just felt insulted — ilang araw na nga akong pinaghintay, ‘tapos hindi pa rin makapag-decide. Alangan namang hintayin ko siya all day and night. Sabi ko sa kanya, simple lang naman iyan — kung OO sabihin.

Kung HINDI eh di hindi, di ba? Hindi ‘yung marami pang paligoy-ligoy. Then binabaan ko na siya ng phone. At sa pagkabuwisit ko, I texted him and said na i-cancel na lang itong booking ko and “thanks na lang”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sumagot siya sa text ng “Ok po. sorry.” May part two pa ang pagkabwisit ko sa manager ni Mocha dahil kulang ang pahinang ito para mailabas ang sama ng loob ko.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending