Luis payag maging model ng condom sa isang kundisyon... | Bandera

Luis payag maging model ng condom sa isang kundisyon…

Ambet Nabus |January 31,2015
facebook
share this

Luis payag maging model ng condom sa isang kundisyon…

Ambet Nabus - January 31, 2015 - 03:00 AM

luis manzano
Walang problema sa ampon naming si Luis Manzano kung mag-endorse rin siya ng condom one of these days.

Kahapon sa ibinigay na bonggang presscon ng Puregold kay Luis bilang pinakabagong celebrity endorser nila, sinabi nitong pinag-aaralan muna niyang mabuti ang ino-offer na endorsement sa kanya bago niya ito tanggapin

.”I only endorse products and services na pinaniniwalaan ko. Siyempre, ayoko namang lokohin ang mga tao, pangalan ko ang nandu’n kaya ayokong mapahiya,” sabi ng anak nating si Luis.

Si Luis ang kinuhang image model ng Puregold Perks Card, ang bagong privilege card na maaaring ma-enjoy ng mga consumers. Ito’y para naman sa mga Pinoy na regular na namimili sa Puregold. Ito ang magiging counterpart ng Tindahan Ni Aling Puring card na gamit naman ng mga may sari-sari store.

Actually, matagal nang ka-partner ng nasabing kumpanya si Luis, palagi raw kasi siyang kinukuhang host para sa mga special events ng Puregold na nagse-celebrate rin ngayon ng kanilang ika-16 anibersaryo.

Kaya kung tutuusin hindi na raw siya bago sa nasabing kompanya. When asked kung payag din ba siyang maging model ng condom, ang sagot ni Luis, part ng family planning ang condom at kung may offer sa kanya to endorse ito, why not.

Basta ipakita muna sa kanya ang storyboard ng produkto at kung magugustuhan niya, go!  Biro pa nga ng boyfriend ni Angel Locsin na talagang ikinahagalpak ng entertainment press na invited sa nasabing press launch, “Basta yung hahawakan ko lang ha, baka naman ipa-explain pa sa akin kung paano isuot o kung paano gamitin, ‘yun hindi na pwede ‘yung ganu’n!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending