Jaclyn Jose ayaw nang makatrabaho kahit kailan si malditang female star | Bandera

Jaclyn Jose ayaw nang makatrabaho kahit kailan si malditang female star

Ervin Santiago |January 31,2015
facebook
share this

Jaclyn Jose ayaw nang makatrabaho kahit kailan si malditang female star

Ervin Santiago - January 31, 2015 - 03:00 AM

jacklyn jose
MAY isang kilalang aktres na ayaw nang makatrabaho ni Jaclyn Jose. Pero ayaw na niyang ipabanggit kung sino ito para wala na lang daw gulo.

Ayon sa mommy ni Andi Eigenmann, nabwisit daw siya sa nasabing female star dahil may attitude problema raw ito. Nagkasama sila sa isang teleserye at dito nga raw niya napatunayan na may kamalditahan ang aktres.

Nu’ng minsan daw kasing mag-taping sila ay bigla na lang daw itong nangdedma, as in parang wala raw itong nakikita sa set. E, yun daw ang ayaw na ayaw ni Jaclyn, yung dinadaan-daanan lang siya ng kanyang co-stars na parang isa lang siyang flower vase.

“Medyo senior na rin siya! Minsan, mahirap ding kausap mga senior. Ang kulit din katulad ko. Ha-hahaha!” chika ng award-winning actress nang dalawin namin siya kasama ang ilang piling entertainment reporter sa taping ng GMA Telebabad series na More Than Words.

Dugtong pa niya, “Siguro kung may problema sila sa akin, ako rin, may problema sa kanila. Vice-versa lang naman ’yan!”
Natanong naman sa aktres ang tungkol sa pagbabalikan daw nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito, hindi pala niya alam na nagpunta sa Singapore ang anak kasama ang binatang anak ni Manila Mayor Joseph Estrada.

“Naku, hayaan mo na nga siya! May anak na naman siya. She knows how to handle herself. Mabait ako, eh!” ang chika ni Jaclyn. Ayaw na raw niyang makialam sa lovelife ni Andi.

Pero inulit niya na botong-boto siya kay Jake para kay Andi kaya napangiti ito nang sabihin sa kanya ng press na nagbalikan na ang dalawa, “Yes, mabait na bata kasi si Jake. Guwapo na, edukado pa, hahaha!” natatawang sey pa ni Jaclyn.

Samantala, sa seryeng More Than Words, gustung-gusto niya ang bidang loveteam dito na sina Janine Gutierrez at Elmo Magalona. Aniya, favorite na raw niya ngayon ang anak ni Lotlot de Leon.

“Si Janine kasi, siya ang anak ko rito. Siya ang lagi kong kaeksena. Kuhang-kuha niya ’yung akting ko. ‘Yung pagiging luka-luka ko. Saka kengkoy rin. Magaling, magaling si Janine.

Favorite ko na siya among the girls,” sey ni Jaclyn. “Si Alden (Richards), sa lalaki, favorite ko. Si Janine ang favorite ko sa babae,” aniya pa.

Binibigyan din daw niya ng tip sa pag-arte si Janine pero aniya, “Kumbaga, everyday tip lang. Palakasin natin ang scene. Kailangan huwag nating bigyan ng chance na ilipat ang channel. Kailangan malakas ang eksena. Mataas!”

Sa tanong kung may pagkakataon bang nahirapan siya sa mga kaeksena niya, lalo na kung paulit-ulit na ang eksena? “Susubukan ko hanggang dalawa, tatlong beses.

’Pag hindi, hindi na ako mangingialam. Buhay niya ’yon, eh. Career niya ’yon, eh. “But you don’t mess up my scene. Doon lang ako concerned. ’Pag kaeksena kita, you have to work. Kasi kasama ka sa scene, eh.

Huwag mo ako hilahin!” dagdag pa ni Jaclyn. Nilelektyuran ba niya ang mga baguhang artista na bobong umarte? “Pag alam kong may future, tinatrabaho ko. Pag walang tatlong taon ito. Ha-hahaha!”

Anyway, kitang-kita namin sa aura ni Jaclyn na enjoy na enjoy siya sa taping ng More Than Words. Wala raw kasing pasaway sa set, kaya ang gaan-gaan ng kanilang trabaho.

In fairness, isa si Jaclyn sa nagdadala ng serye dahil sa mga hirit niyang one-liner sa kanyang mga dialogue. Sabi nga ng isang kapitbahay namin na baliw na baliw sa panonood ng More Than Words, talagang isinusulat pa niya ang mga punchlines ni Jaclyn para magamit daw niya sa kanyang mga anak at mga kaibigan.

Nagpapasalamat naman ang premyadong aktres sa lahat ng sumusubaybay sa More Than Words, lalo na sa mga viewers na nag-eenjoy sa mga eksena niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inamin din ng mommy ni Andi na ang ilan sa mga dialogue niya sa serye ng GMA ay puro ad lib na lang pero patok na patok pa rin sa mga manonood.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending