Mystica kumasa na sa hamon ni Marlene: Sige mag-upakan tayo! | Bandera

Mystica kumasa na sa hamon ni Marlene: Sige mag-upakan tayo!

Alex Brosas |January 22,2015
facebook
share this

Mystica kumasa na sa hamon ni Marlene: Sige mag-upakan tayo!

Alex Brosas - January 22, 2015 - 03:00 AM

mystika
Kinasahan ng singer na si Mystica ang hamon ni Marlene Aguilar na makipagsuntukan sa kanya.

“MARLENE AGUILAR, THE SISTER OF FREDDIE AGUILAR WHO HAS BEEN ATTACKING CATHOLICS AND POPE FRANCIS WITH HER LIBELOUS SPEECH, IS DARING EVERYONE TO HAVE A SPARRING WITH HER, AND SHE IS VERY SURE THAT SHE CAN EVEN KNOCK DOWN 1,000 PEOPLE INCLUDING POPE FRANCIS. WELL, IN THAT CASE, I AM ON, I AM DARING HER FOR A ONE-ON-ONE SPARRING WITH ME.”

‘Yan ang nakasaad sa Facebook account ni Mystica (Mystica Cassidy) bilang tugon sa hamon ni Marlene. Marlene, probably seething with anger, posted this challenge on her Facebook account:

“Kayong mga sumasamba kay Pope Francis: Alam kong galit na galit kayo sa akin dahil sa mga sinabi kong personal na opinyon laban sa kanya. Kaya bibigyan ko kayo ng pagkakataon na makaganti sa akin.

“Hinahamon ko ang nakararami sa inyo na harapin ako at labanan ako ng MMA sparring UFC style sa Elorde gym. Pag naitumba ko kayo in one round, muli niyong yakapin ang paniniwala ng mga ninuno ninyong mga pagano.

Sinamba nila ang kalikasan at hindi nila sinamba ang simbahan at mga alagad nitong naka abito. “Kung buo ang paniniwala ninyo sa Diyos, dapat buo ang loob niyo na harapin ako.

Huwag kayong matakot dahil sasagipin kayo ng inyong Diyos. “Kaya kong harapin sa MMA sparring ang sampung tao sa isang araw basta nasa 100 lbs sila hanggang 125 lbs.

Yung mas mabibigat e i schedule natin matapos kong itumba ang isang libo sa inyo. “Pagkakataon niyo na po tong makaganti. Ayan. Sana paunlakan ninyo ako para mapatunayan niyo sa sarili ninyo na buo ang pananampalataya ninyo sa maykapal.

“Sa Elorde Gym Katipunan ko po i schedule ang laban. I pm niyo lang ako, para maayos natin kung kalian tayo magsisimula.”
Pero ayon kay Mystica, mukhang natakot sa kanyang hamon si Marlene dahil binlock siya nito sa Facebook.

“MARLENE AGUILAR HAS JUST BLOCKED ME. SHE CAN’T ACCEPT THE FACT THAT I DARED HER FOR A ONE-ON-ONE PERSONAL SPARRING ON THE STREET (AWAY-KALYE). WHAT CAN YOU SAY ABOUT THAT GUYS?”

Any comment, Marlene?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending