TV5 binastos ni Bayani Agbayani; Binoe, Wilma Galvante nabwisit | Bandera

TV5 binastos ni Bayani Agbayani; Binoe, Wilma Galvante nabwisit

Reggee Bonoan - January 16, 2015 - 03:00 AM

BAYANI AGBAYANI AT ROBIN PADILLA

BAYANI AGBAYANI AT ROBIN PADILLA

Mukhang magsosolian na ng kandila sina Ms. Wilma Galvante, Chief Content Officer ng TV5 at komedyanteng si Bayani Agbayani dahil daw sa ginawang pambabastos ng huli sa network.

“Happy sa 2015” pa naman ang tagline ng TV5 ngayon para sa mga bago nilang shows na ini-launch kamakailan sa Sampaguita Gardens, pero sinira  ni Bayani ang mood ni Ms. Wilma.

Kasama dapat si Bayani sa sitcom na 2 ½ Daddies nina Robin Padilla, Rommel Padilla at BB Gandanghari pero biglang umatras ang komedyante.

Base sa kuwento sa amin ay nagtaping na raw si Bayani para sa pilot episode ng programa pero bigla na lang nagpaalam dahil lilipat na raw sa ABS-CBN.

Pahayag ni Ms. Wilma, “Galit at hindi sama ng loob o nagtatampo ako. Nagalit ako sa kanya kasi alam na niyang may offer sa kanya ang kabila, nag-taping pa siya ng pilot ng 2 1/2 Daddies at ang sabi, hanggang sa second episode lang siya.

“Alam niyang continuing ang character niya. Kaya pala hindi niya pinipirmahan ang hawak niyang kontrata para sa show ng TV5 dahil may tinanggap siyang ibang show.

“Sana respeto na lang sa network. Inaanak ko siya, ako ang nag-discover sa kanya at never ko siyang iniwan. Pinayagan ko  siyang umalis sa GMA noon at lumipat sa ABS, nang bumalik sa GMA 7, tinanggap ko pa rin.

“Nang magpa-release ng kontrata sa GMA para lumipat sa TV5, ni-release ko. Hindi siya nawalan ng show sa TV5, ‘pag may bagay na role sa kanya, inilalagay namin. Alam niya palang hindi niya tatapusin ang 2 1/2 Daddies, bakit nag-taping pa siya?

Hindi fair sa network ang ginawa niya,”  pahayag ng TV5 executive.

Sayang at hindi namin nakausap ang magkakapatid na Robin, Rommel at BB nu’ng TV5 press launch para sa 2015 shows ng network, balitang masama rin daw kasi ang loob nila kay Bayani.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, magsisimula na sa Jan. 24 ang 2 1/2 Daddies, mapapanood ito tuwing Sabado, 7 p.m. sa Kapatid network. Makakasama rin dito sina Alice Dixson, Celia Rodriguez at marami pang iba.
.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending