Sylvia Sanchez hiyang-hiya kay Aiza | Bandera

Sylvia Sanchez hiyang-hiya kay Aiza

Jobert Sucaldito - December 02, 2014 - 03:00 AM

sylvia sanchez
HIYANG-HIYA si kafatid na Sylvia Sanchez sa isyung siya raw ang sumagot sa pamasahe ng entourage sa nalalapit na kasal nina Aiza Seguerra and Liza Diño sa San Francisco, USA next week.

“Actually, sa last day ng Be Careful last Friday, may TV crew na nag-interview sa akin, if I’m not mistaken sa The Buzz iyon. Tinanong ako about sa pagtatapos ng show namin.

Then after that, kinunan niya ako ng pahayag tungkol sa isyu na kaming mag-asawa (Art Atayde) ang sumagot sa pamasahe ng entourage sa kasal nina Aiza and Liza sa States.

“Of course sinabi kong hindi totoo ang tsismis. Oo, ninang ako, actually kami ni Art – siya talaga ang unang kinuha ni Aiza na magninong sa kasal nila sa US at sa next kasal nila dito Pilipinas, ako naman ang ninang.

Close kasi sa amin si Aiza noon pa. Mahal namin iyan pero in fairness kay Aiza she has worked hard para sagutin ang gastusin sa kasal nila.

“Ni isang kusing ay wala kaming ambag sa wedding nila, ang pinaka-gift lang namin sa kaniya ay ang physical presence naming mag-anak, kaming mag-asawa, si Arjo at si Ria.

Nauna na roon si Ria, ngayong Tuesday kami aalis ni Arjo at si Art naman ay sa Sabado susunod. Pero sabay-sabay na kaming babalik sa December 16.

“Nakalimutan ko lang kasi i-inform si Aiza na nainterbyu ako ng The Buzz kaya nagulat ako sa text niya sa akin at biniro akong, ‘Nay, ang yaman mo ha, ikaw pala ang sumagot sa pamasahe sa kasal ko’.

Bigla akong nahiya kasi hindi naman totoo. I apologized to her, ewan ko kung saan nanggaling ang tsismis na iyan.  “For sure, yung entourage nila sa kasal ay nagkanya-kanya rin ng pamasahe bilang suporta sa kanila ni Liza.

Hiyang-hiya ako tuloy kay Aiza pero naintindihan naman niya ang sinabi ko. Natawa lang daw siya. Ako lang ang parang nahiya. Gosh! Mas maraming pera sa akin si Aiza.

“Napakasipag magtrabaho niyan, kahit nung nagti-taping kami, lumalagare iyan sa mga shows iyan here and abroad. At sa totoo lang, sinabi ko nga sa kaniya, panong mangyaring ako ang sasagot sa pamasahe ng entourage niya eh, mas malaki ang talent fee niya kaysa sa akin. Ha-hahaha!”  paliwanag pa ni Sylvia.

“Natatawa nga ako sa ibang friends ko, yung mga takang-taka kung bakit kami pumayag mag-ninong at ninang sa kasal nina Aiza dahil same-sex marriage daw.

Bakit naman hindi, di ba? Mahal namin si Aiza, at ano naman ang pakialam namin kung sino ang gusto niyang maging asawa, kung sinong mahal ni Aiza ay mahal na rin namin.

We are not here to judge people. I am very happy for Aiza and Liza. Sa totoo lang, first time akong magnininang sa same-sex marriage kaya excited din ako,” paliwanag ni Sylvia.

Ganyan naman ang family ni Sylvia, ibang klaseng magbigay ng support sa mga kaibigan. My gosh, halos weekly ay may pa-dinner iyan for her barkadas anywahere  – sa bahay, sa Resorts World at kung saan-saan pa. She’s truly generous!

“Maganda talaga ang pamilya nina Sylvia at Papa Art. Iba silang mag-alaga ng mga kaibigan. Hindi sila yung lulubog-lilitaw,” ani Richard Pinlac.

“Subok ko na ang mag-asawang iyan. Pag mahal ka nila, ilalaban ka nila nang patayan. Kahit disoras ng gabi, pag kailangan mo sila, nandiyan silang mag-asawa para damayan ka.

Naalala mo ba nu’ng naaksidente ako sa Quiapo? Papunta na si Sylvia that time sa kinabagsakan ko sa Quiapo pero pinigil siya ni Papa Art dahil mas malapit daw siya sa lugar kaya si Papa Art na lang tumakbo sa akin at nagdala sa akin sa hospital.

Sila pa ang halos sumagot sa hospital bills ko,” anang colleague nating si Roel Villacorta.Even their children, they’re really very sweet and educated.

Maganda ang values ng mga bata. Kaya hindi dapat pagtakhan kung bakit ganoon na lang sila kamahal ng industriyang ito.
Anyway, I do hope that everything’s clear na about the issue ng pagsagot nina Sylvia and Art sa pamasahe ng entourage ng kasal ni Aiza sa Amerika.

“Wala namang masamang sagutin ang pamasahe nila, kung totoo lang naman sana. Kung mayaman sana kami. Ayokong isipin ni Aiza na galing sa amin ang balita kasi nga ako ang nainterbyu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero I don’t really care kung ano ang pinakakalat nila. Kung ano ang agenda nila, hindi sila magwawagi. Our love for Aiza is pure,” ani Sylvia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending