Kailan makakapasa sa board exam? | Bandera

Kailan makakapasa sa board exam?

Joseph Greenfield |November 24,2014
facebook
share this

Kailan makakapasa sa board exam?

Joseph Greenfield - November 24, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Veck ng Tabon, Bislig City,  Surigao del Sur
Dear Sir Greenfield,
Naisipan ko pong sumangguni sa inyo kasi dalawang beses na akong kumukuha ng board exam para sa pagka-guro kaya lang lagi po akong hindi nakakapasa. Hindi ko nga po alam kung bakit ako bumabagsak gayong nagre-review naman akong mabuti. Siguro hindi ko palang suwerte, kaya itatanong ko lang sa inyo kung kailan ako susuwertehin na maging isang ganap at lesensyadong guro para makapagturo naman ako sa public school at lumaki ang aking suweldo. Sa ngayon po ay nag-aapply din po ako sa abroad, hindi ko rin alam kung matutuloy ako. May travel line po ba ako sa aking palad? At ano kaya ang mauuna, ang makapag-abroad ako o ang makapasa sa board exam? At itatanong ko na rin po kung ano ang mangyayari sa love life ko, kasi wala pa akong boyfriend sa ngayon. December 3, 1992.
Umaasa,
Veck ng Surigao del Sur
Solusyo/Analysis:
 Palmistry:
Kapansin-pansin ang malinaw na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Cartomancy:
Ngunit bago ang pag-aabroad, ang Queen of Diamonds, Ten of Diamonds at Ace of Diamonds ang nagsasabing (Illustration 1.) makakapasa ka muna sa pagsusulit upang ikaw ay ganap na maging lesensyadong guro, at ito ay nakatakdang maganap sa taong 2015 o kaya’y 20016 sa edad mong 22 pataas.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending