Horoscope, November 22, 2014 | Bandera

Horoscope, November 22, 2014

Madam Sophia |November 22,2014
facebook
share this

Horoscope, November 22, 2014

Madam Sophia - November 22, 2014 - 01:34 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Hindi matatapos ang araw, may malaking halaga ng salapi na mahahawakan. Sa pag-ibig, tuloy ang masarap masarap na pakikipag-romansahan sa kasuyong tumataba na ang pangangatawan.  Mapalad ang 7, 11, 20, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padma-Purana-Om.” Yellow at maroon ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Ano man ang problema, lilipas din yan! Kapag nakahawak ng malaking halaga, bayaran na agad ang mga pagkakautang. Sa pag-ibig, habang lumalamig ang panahon lalo namang iinit ang relasyon. Mapalad ang 7, 16, 27, 39, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ananda-Om.” Blue at purple ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)— Sa pagtitiyaga makakamit ang tagumpay. Sinop-sinop lang ng kabuhayan ang pormula upang yumaman. Wag nandugas sa fobyerno. Sa pag-ibig, kaunting pakiusap pa mapapahinuhod no rin ang kasuyo na ikaw ay pagbigyan. Mapalad ang 7, 18, 21, 24, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Nameh-Narada-Om.” Green at yellow ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)— Maiinis ka na naman, habang hindi umaayon sa gusto mo ang mga pangyayari! Hindi ka dapat magpa-apekto, ituloy lang ang ginagawa na may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, wag paki-alaman ang trip ng kasuyo, upang wag kayong mag-away. Mapalad ang 7, 18, 21, 23, 27 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Factum-Pulcrum-Aum.” Pink at yellow ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Habang tinutulungan ka ng iba, lalo kang uunlad at yayaman. Sa pag-ibig, bigyan ng pabor ang kasuyong Capricorn. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Dominum-Miraculum-Om.” Blue at pink ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Kapag tuluyan ng nagapi ang takot magsisimula ng yumaman. Tandaang upang umunlad, sugod lang ng sugod ang paraan! Sa pag-ibig, ang pangamba ay nasa isip lang – ituloy ang lihim na relasyon. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yohana-Govinda-Om.” Red at blue ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)— Sa pinansyal, kahit na may pagka-kuripot, nakapagtatakang dating parin sayo ng dating ang suwerte. Ganyan talaga ang madasalin. Ipagpatuloy ang paghingi ng awa kay Lord, upang lalo ka pang pagpalain.  Mapalad ang 7, 17, 26, 39, 40, at 49. Mahiwag mong mantra: “Om-Dosya-Aum-Thona.” Lilac at maroon ang buenas

Libra – (September 23-October 23)— Hindi na maibabalik ang nakaraan. Wag mabuhay sa panghihinayang!  Sa pag-ibig, pagtiyagaang mahalin ang kasuyong pangit. Sa pinansyal itago ang “bonus at 13th month pay” – pang-savings mo na yan! Mapalad ang 5, 18, 23, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Darshana-Om-Jehana.” Green at yellow ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Bawasan ang pagdadamot. Hindi ang pagkukunat ang sekreto ng pagyaman. Hindi na uso ang belekoy ngayon. Sa pag-ibig, wag pahindian ang mga mahal sa buhay, ikaw lang ang tanging maaasahan nila. Mapalad ang 4, 16, 22, 36, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dabra.” Gold at blue ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Katulad ng ulan, bubuhos ang maraming salapi! Pero hindi ka dapat matuwa. Tulad ng baha, mabilis ding mauubos ang pera. Matuto  kang mag-tipid. Sa pag-ibig, tuloy ang lihim na relasyon. Mapalad ang 4, 8, 19, 28, 34, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Yellow at red ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)— Wag ng ulitin pa ang nakaraang pagkakamali! Upang hindi ka na uli masuba, piliin ang papautangin.  Ganon talaga ang buhay sa ngayon, nagkalat ang mga balasubas! Sa pag-ibig, sa isang Cancer muling magpapaligaya sa iyo ng husto. Mapalad ang 2, 7, 16, 20, 29, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Purana-Avidya-Om.”  Orange at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)— Iwasang makipagtalo! Sa sandaling nasuong sa isang diskusyon, masisira lang ang araw mo. Sa pag-ibig at sa lahat ng bagay, panatiliin ang pagiging mahinahon. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 33, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Udatta-Savitra-Om.” White at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—May paglalakbay na darating! Sunggaban agad upang ikaw ay umunlad. Sa pag-ibig, tiisin ang pansamantalang paglayo sa pamilya, kaysa naman nandito ka lang pero patuloy kayong naghihirap. Mapalad ang 3, 12, 21, 27, 30 at 46. Mahiwaga mong mantra: Aum-Shadja-Om-Dhaivata.” Orange at pink ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending