Kobe, Andre matigas pa rin ang puso kay Jackie Forster | Bandera

Kobe, Andre matigas pa rin ang puso kay Jackie Forster

Cristy Fermin |November 16,2014
facebook
share this

Kobe, Andre matigas pa rin ang puso kay Jackie Forster

Cristy Fermin - November 16, 2014 - 03:00 AM

kobe andre paras
Hanggang hindi sila nagkakausap ng kanyang ina ay hindi magiging maayos ang pagbiyahe ng kanyang basketball at showbiz career. Mahihirapang makaalagwa si Andre Paras.

Kahit ang kanyang kapatid na si Kobe na inampon na ngayon ng isang pamosong basketball team sa Amerika at magaling naman talagang maglaro na tulad ng kanyang amang si Benjie Paras ay mahihirapan din dahil meron silang bitbit na galit sa kanilang inang si Jackie Forster.

Nagdiwang ng kaarawan kailan lang si Andre, sa halip na magpa-party ay makabuluhan ang ginawa niyang selebrasyon, nagpunta siya sa Tahanang Walang Hagdan para makasama ang ating mga kababayang may kapansanan sa katawan.

Napakaganda na sanang aksiyon ang kanyang ginawa, pinaligaya niya ang mga taga-Tahanang Walang Hagdan, pero hindi ‘yun ang napansin at binigyan ng pagpapahalaga ng ating mga kababayan.

Komento ng isang nakausap namin, “Pinasaya nga niya ang mga kababayan nating may kapansanan, nag-basketball pa siya habang naka-wheelchair, pero pinalungkot niya naman ang mommy niya.

“Bago siya nag-birthday, e, panay ang bati sa kanya ni Jackie, ipinaalala pa ng mommy niya ang mga masasaya nilang araw nu’ng bata pa siya, pero deadma lang si Andre.

“Hanggang ganyan ang pagtrato nila sa mommy nila, pansamantala lang na magtatagumpay sina Kobe at Andrei, dahil ang nakikita ng mga tao, e, hindi naman ang kagandahang lalaki nila at mahusay na paglalaro ng basketball kundi ang kawalan nila ng utang na loob sa mommy nila.

“‘Yun ang pagkakilala sa kanila,” makahulugang komento ng aming kaibigan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending