Annabelle kay Ruffa: Kung na-miss mo ang tutukan ng baril at ikulong sa cabinet, sige...bahala ka na! | Bandera

Annabelle kay Ruffa: Kung na-miss mo ang tutukan ng baril at ikulong sa cabinet, sige…bahala ka na!

Alex Brosas |November 01,2014
facebook
share this

Annabelle kay Ruffa: Kung na-miss mo ang tutukan ng baril at ikulong sa cabinet, sige…bahala ka na!

Alex Brosas - November 01, 2014 - 03:00 AM

ruffa gutierrez
Isiniwalat ni tita Annabelle Rama sa kanyang Twitter account kung bakit hindi niya type ang boyfriend ng kanyang anak na si Ruffa Gutierrez.

“1st Reason: Ayokong maulit ang nangyari sa kanya sa ex-husband nya. Kasi nakikita ko itong bagong lalaki sa buhay niya na carbon copy sa ex nya sa pagsasalita at sa kilos.

“Mabait lang sa umpisa pero pag nagtagal na nag-iiba na ang ugali. Opinion ko yan sa nakikita at… naraamdaman ko. Kung na miss niya ang boxing at tutukan ng baril at ikulong sa cabinet, ok bahala ka na at yan ang gusto mong mangyari,” tweet ni tita Annabelle.

Aniya, “Surrender na ako. Hindi lang mga kamay kp ang itataas ko, pati mga paa ko itataas ko na rin sa pagsuko ko.”
Pinasalamatan niya ang supporters niyang nakakaunawa sa kanya pero she stressed na hindi siya gumigimik para sa kanilang reality show, “Uulitin ko sa lahat ng supporters ko na nagmamahal sa akin at naniniwala sa lahat ng mga sinasabi ko. Million thanks to you all…

“Aasahan nyo, hindi ako mahilig gumimik para pag-usapan lang. Hindi ko pinangarap mag-artista uli, matanda na ako para gumawa ng gimmick!

“Lastly, maraming salamat sa nakakaintindi at umiintindi sa akin. Ganyan lang ako bilang isang ina!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending