‘Bukol’ sa lalamunan ni Vice Ganda di pa pwedeng tanggalin | Bandera

‘Bukol’ sa lalamunan ni Vice Ganda di pa pwedeng tanggalin

Julie Bonifacio |November 01,2014
facebook
share this

‘Bukol’ sa lalamunan ni Vice Ganda di pa pwedeng tanggalin

Julie Bonifacio - November 01, 2014 - 03:00 AM

 

vice ganda
Pagkatapos ng kanyang madamdaming pamamaalam sa It’s Showtime, sa birthday cum anniversary party nagpakita ang Phenomenal Star na si Vice Ganda.

Sinabi naman ni Vice ang dahilan kung bakit magpapahinga siya and that’s because of health issues. In fact, earlier that day daw ay kagagaling lang niya sa St. Luke’s Hospital para magpa-check up.

“Medyo umayos na ‘yung hitsura ng larynx ko, ng throat ko. Maaliwalas na, hindi na siya punung-puno ng mucus. Pero nandoon pa rin ‘yung polyps, e. Inaalam nila kung cyst siya o polyps.

E, gusto kong ipa-byopsy pero kailangan kong magpahinga ng dalawang linggo, total voice rest. E, for now, hindi ko siya pwedeng gawin,” pahayag ni Vice.

Kailangan kasing tapusin ni Vice ang shooting ng movie niya na “Praybeyt Benjamin 2” para sa December filmfest. Since hindi siya pwedeng operahan kaya pina-take na lang ulit siya ng gamot for another two weeks.

“Tapos titingnan kung gaganda ‘yung sitwasyon after two weeks. Pero kung after tha hindi pa gumaganda, ganoon pa rin, e, kailangan na talaga siyang operahan.

Pero sabi nu’ng doktor  huwag daw akong matakot kasi wala naman daw hiwa sa loob,” paglalahad pa niya.Payo naman sa kanya ni Kris Aquino, ganyan daw talaga ang showbiz na nagiging emosyonal kapag araw-araw ang trabaho.

“Oo, kahit araw-araw akong nagtatrabaho parang ang saya-saya ‘di ba? Palagi kang nakangiti, ini-enjoy mo ‘yung kita mo, ini-enjoy mo ‘yung fame, lahat, ‘yung ningning ng ilaw ini-enjoy mo pero hindi mo alam meron nang bumibigay na ibang bahagi ng pagkatao mo.

‘Yung kalusugan mo, na nakakalungkot kasi kahit ano’ng gawin mo hindi mo talaga maba-balanse, e. Meron at merong masa-sacrifice, oo, kaya that’s sad,” diin niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending