HOROSCOPE, November 01, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, November 01, 2014

Madam Sophia |November 01,2014
facebook
share this

HOROSCOPE, November 01, 2014

Madam Sophia - November 01, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: A-uno na at nagkataong holiday pa! Magiging maganda ang pasok ng buwan at magtutuloy-tuloy na ito hanggang sa Disyembre. Sa pag-ibig at pinansyal, mas maraming suwerte ang siguradong darating.  Mapalad ang 4, 8, 11, 17, 24, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Yellow at red buenas

Aries – (Marso 21-April 19)—Wag maghinala nang hindi maganda sa mga nakakausap, darating ang panahong isa sa kanila ang mag-aabot sa iyo ng malaking halaga. Sa pag-ibig, tiwala ang sangkap upang lalo pang lumigaya ang suyuan. Mapalad ang 6, 15, 27, 38, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Namo-Namo-Aum.” Pink at blue ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Sa pinansiyal, ang maliit na kita sa kasalukuyan ay madodoble sa kinabukasan, ang mahalaga, manatili kang naka-smile! Sa pag-ibig, paligayahin ang minamahal sa pamamagitan ng matamis na halik. Mapalad ang 3, 6, 12, 14, 27, at 39. Mahiwaga  mong mantra: “Adonai-Elohim-Shaddai.” Silver at purple ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Sa ikalawanmg lingo ng Nobyembre ituloy ang binabalak na lakad. Sa malayong lugar, makakatagpo ng dagdag na pagkakakitaan. Sa pag-ibig, maiibsan ang problema kung lalayo muna sa minamahal. Mapalad ang 5, 14, 32, 33, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guro-Deva-Om”. Silver at lilac ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Kailangang magkaroon ng sariling negosyo, hindi nakapagpapayaman ang pamamasukan. Sa pag-ibig, tuloy ang panlalamig ng kasuyo, kailangang makagawa ka ng paraan upang siya ay muling mag-init. Mapalad ang 2, 16, 28, 34, 45, at 49. Mahiwa mong mantra: “Aum-Karaam-Om.” White at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Kahit maliit ang kita, darating ang panahong makakaipon ka rin ng malaking halaga, tipid-tipid lang ang kailangan. Sa pag-ibig wag umasa nang umasa sa kasuyo – mag isip ka ng sarili mong pagkakaperahan. Mapalad ang 4, 10, 28, 31, 40, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Niva-Araanam-Kebanam.” Blue at orange ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Wag gawing kumplikado ang mga bagay-bagay lalo na sa pag-ibig at aspetong pang-pinansiyal. Kapag nagawa mo yan, pa-simple-simple lang pero rock, mas maraming suwerte at magandang kapalaran ang darating. Mapalad ang 5, 19, 23, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Rata-Om.” Lilac at gray ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Pahalagahan ang dalawang bagay, salapi at relasyon. Sa pag-ibig, wag baliwalain ang mga sweet message ng kasuyo, mag-reply ka naman kahit minsan. Mapalad ang 1, 17, 28, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Sandhapa-Coronaria.” Blue at gold ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Hindi dapat panghinaan ng loob. Sa pamamagitan ng tapang mas lalong kang yayaman. Sa pag-ibig, lakas-loob na yayain ang kasuyo sa isang masarap na pakikipag-date. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Om.” Green at orange ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Dati gawi, maghahanap ka na naman ng mahihiraman ng pera. Lumapit sa kaibigang Gemini. Sa pag-ibig, isang nakakikilig na romansa ang magse-selyo ng maghapon. Mapalad ang 5, 14, 23, 29, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Bilis-Mira-Colum.” Pink at white ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Wag magdalawang isip na tumulong sa mga nangangailangan, upang lalo kang suwertehin. Sa pag-ibig, sa isang charitable work makakasumpong  ng true love. Mapalad ang 4, 17, 26, 32, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Green at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Wag mong intindihin ang mga taong nagbibigay sa iyo ng kalungkutan. Panahon na upang mag-move-on. Lalo mong mahalin at pahalagahan ang iyong salapi, dahil sa panahong maraming-marami kang salapi, darating ang araw na makakabili ka rin ng tunay na pag-ibig. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Dosya-Om.” Pink at beige ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Iwasang magdesisyon nang nakabatay sa damdamin. Sa pinansiyal, utak at isip ang magpapayaman sa ‘yo. Sa pag-ibig, hindi dapat malungkot, dahil ang lahat ay lilipas din. Mapalad ang 7, 19, 28, 34, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “This too shall pass!” Red at lilac  ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending