Planong mag-enroll sa PhilHealth | Bandera

Planong mag-enroll sa PhilHealth

Liza Soriano |October 31,2014
facebook
share this

Planong mag-enroll sa PhilHealth

Liza Soriano - October 31, 2014 - 03:00 AM

AKO po si Diane Javier.  Itatanong ko lang po  kung may bayad ba ang pag-enroll sa PhilHealth. Kasi po noong nagbigay po ako ng PMRF at tinanong po ako kung ako ay employed o hindi, sabi ko po ay gagamitin ko for employment. Ang sabi naman po sa akin ay dapat bayaran ko yung one quarter as voluntary member. Hinahanapan naman po ako ng PhilHealth nung pinag-aaplayan ko. Ano po ba ang tamang sistema?

REPLY: Bb. Javier:
Pagbati mula sa Team PhilHealth!

Ito po ay tungkol sa inyong katanungan na ipinadala kay Bb. Liza Soriano sa kanyang column na Aksyon Line hinggil sa pagpaparehistro sa PhilHealth.

Ayon sa polisiya, katungkulan ng isang employer na iparehistro sa PhilHealth ang kanyang mga bagong empleyado sa loob ng 30 araw mula sa unang araw ng pagtatrabaho.

Punan lamang nang tama at kumpleto ang PhilHealth Member Registration Form (PMRF) at ibigay sa inyong employer upang maisumite sa tanggapan ng PhilHealth.
Ipapadala ng PhilHealth sa inyong employer ang inyong Health Insurance ID Card na nagtataglay ng PhilHealth Identification Number (PIN) at ang kopya ng Member Data Record (MDR) kung saan nakalista ang mga qualified dependents.

Samantala, ang mga walang trabaho ay maa-ring magparehistro sa ilalim ng Informal Economy o bilang isang Individually Paying Member. Magsumite lamang po ng PMRF sa alinmang tanggapan ng PhilHealth at magbayad ng kaukulang kontribusyon na P600 para sa isang kwarter o P2,400 para sa isang taon.

Maari rin naman na magparehistro online. Mag-log on lamang sa www.philhealth.gov.ph , piliin ang Online Services sa homepage at i-click ang Electronic Registration at sundin ang mga hakbang sa pagpaparehistro. Isumite rin online ang scanned copy ng applicable supporting documents na kailangan. Kung online nagparehistro, ipadadala ng PhilHealth ang PIN at MDR sa email address na inyong ginamit. Ang ID card naman ay maaring kunin sa alinmang Local Health Insurance Office (LHIO) ng PhilHealth.

Nawa’y amin pong natugunan ang inyong katanungan. Kung kayo ay may mga karagdagang katanungan o paglilinaw, maaari kayong mag-email sa [email protected] o tumawag sa aming call center (02) 441-7442 at malugod po namin kayong paglilingkuran.

Salamat po.
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook:  www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?  Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City  o kaya ay mag-email  sa [email protected][email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran  sa abot ng  aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ  990AM sa  Programang Let’s Talk;  Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7  hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng  Bayan tuwing  Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending