Kasal nina Bernard at Jerika di matutuloy dahil kay Erap | Bandera

Kasal nina Bernard at Jerika di matutuloy dahil kay Erap

Cristy Fermin |October 26,2014
facebook
share this

Kasal nina Bernard at Jerika di matutuloy dahil kay Erap

Cristy Fermin - October 26, 2014 - 03:00 AM

bernard palanca
Nakakasabay namin sa pagdalaw kay Senador Jinggoy Estrada sina Bernard Palanca at Jerika Ejercito. Maayos ang kanilang relasyon, ipinagmamalaki nila ang mga pictures ng kanilang anak, pero hanggang ngayo’y hindi pa rin tanggap ang aktor ni Mayor Joseph Estrada.

Kung tutuusin ay may nag-uugnay sa dalawang pamilya dahil ang stepdad ni Bernard, ang pumanaw na si Dr. Larry Jocson, ay doktor ng dating pangulo.

Sa lahat ng okasyon ng mga Estrada ay palaging nandu’n ang stepdad at mommy ni Bernard, kaibigan ng mga anak nina Senador Jinggoy at Precy si Erika, ang kapatid niyang bunso.

Dahil napawalang-bisa na ang kasal ni Bernard kay Meryll Soriano ay plano na sana nilang magpakasal ni Jerika, pero hindi nila ‘yun magawa, hindi pa handa ang mayor ng lungsod ng Maynila na makita ang kanyang anak na ikinakasal kay Bernard.

Pero handa silang maghintay, nirerespeto ni Bernard ang emosyon ng dating pangulo, sa takdang panahon nga naman kung talagang para sila sa isa’t isa ni Jerika ay matutuloy pa rin ang kanilang pagpapakasal sa altar.

Responsableng ama si Bernard sa anak nila ni Meryll, kinukuha niya ang bata para makasama ng kanilang anak ni Jerika, kung nagkaroon man nu’n ng pagkakataong kinapos siya sa panahon at atensiyon sa kanyang panganay ay bumabawi naman siya ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending