Liza Soberano ayaw maikumpara kay Kathryn: Hiyang-hiya po ako! | Bandera

Liza Soberano ayaw maikumpara kay Kathryn: Hiyang-hiya po ako!

Ervin Santiago |October 23,2014
facebook
share this

Liza Soberano ayaw maikumpara kay Kathryn: Hiyang-hiya po ako!

Ervin Santiago - October 23, 2014 - 03:00 AM

enrique gil
NAHIHIYA ang bagong prinsesa ng ABS-CBN na Liza Soberano kapag ikinukumpara siya sa Teen Queen na si Kathryn Bernardo. Aminado ang magandang bagets na malayo na ang narating ng rumored girlfriend ni Daniel Padilla at siya’y nagsisimula pa lang.

Dumalaw kami sa taping ng bagong primetime series ng Kapamilya network na Forevermore kung saan nga magbibida si Liza katambal ang hunk matinee idol na si Enrique Gil, sa isang napakataas na lugar sa Tuba, Benguet.

Dito nga namin nakachika ang dalaga at ang iba pang  cast. Isa sa mga itinanong namin kay Liza kung ano ang reaksiyon niya sa pagkukumpara lagi sa kanila ni Kathryn na nakasama naman niya noon sa seryeng Got To Believe, siya ang gumanap na third party sa KathNiel loveteam.

Siyempre, napa-flatter si Liza kapag sinasabing pwede siyang maging next Kathryn sa ABS, pero aniya, “Magkaiba po kasi kami. Maybe something like her, na maraming endorsements and shows, gusto ko rin naman mangyari ‘yon.

Pero I’m different from Kathryn.” Malumanay na paliwanag pa ng bagong ka-loveteam ni Enrique sa Forevermore, “Lahat naman tayo gusto nating maging successful sa trabaho.

Pero ayaw ko kasing kinu-compare kay Kathryn kasi she’s very different from me. She’s Kathryn and I’m just Liza now.
“Parang unfair for her to be compared to me and for me to be compared to her,” aniya pa.

Inamin naman ng dalaga na medyo nao-overwhelm siya sa nangyayari ngayon sa kanyang career, “Nabibilisan po ako, pero I guess I’m just blessed. Pero natutuwa ako na naa-appreciate nila (mga bossing ng Dos) ang efforts ko sa pag-arte.

“Pressured din kasi, parang, bakit nga ba binigyan nila ako ng ganitong project, e, one year pa lang ako (sa showbiz). Pero siguro, may ginagawa akong tama, siguro gusto nila ang pag-arte ko.

Kaya natutuwa ako na napapansin nila ako at naa-appreciate ng management,” chika pa ni Liza. Sa Lunes na magsisimula ang Forevermore sa Primetime Bida kapalit ng Ikaw Lamang, sa direksiyon ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina, kaya inaatake na ng nerbiyos sina Enriqe at Liza, “Excited at kinakabahan  kasi hindi kami nakakapag-promote, ‘di ba?

“Hindi ko alam kung alam ng mga tao na may Forevermore. Baka mamaya walang manood,” ani Liza na feeling namin ay pwede nang gawing kapalit ng ABS kay Kristine Hermosa.

Habang kachika kasi namin siya sa set ay si Tintin ang naaalala namin dahil sa simple niyang ganda pero punumpuno ng karisma at mass appeal.

Parehong positibo ang pananaw ng magka-loveteam na matatanggap ng manonood ang kanilang tambalan, sey nga ni Liza, “Gusto kong maging solid ang loveteam namin,” na nagsimula nga sa pelikulang “She’s The One” nina Bea Alonzo at Dingdong Dantes.

“Hindi ako masyadong nag-e-expect kasi ayaw kong ma-hurt. Pero I’m hoping and praying na everyone will love our loveteam and the show mismo,” aniya pa.

Hirit pa ng dalaga, “Naghu-hope po ako na sana (mag-click) kasi big chance ‘yon para sa amin. Masaya akong kasama si Enrique. Kung magustuhan ng mga tao, e, di okay.

Pero desisyon din ng management na paghiwalayin kami. Whatever they decide, okay naman sa akin.” Puring-puri naman ni Liza at ng iba pang co-stars nila sa serye si Enrique, nagkakaisa sila sa pagsasabing sobrang bait at maalalahanin ang aktor sa lahat ng kanyang  katrabaho.

Noon pa sinasabi ni Liza na crush niya si Enrique, at mas lalo raw siyang humanga sa binata nang makasama niya ito sa Forevermore, “Mabait po talaga siya.

Pantay-pantay po talaga ang tingin niya sa mga tao. Fair po siya magtrato sa mga tao. “Lagi niya akong inaalalayan kasi medyo may pagkalampa ako. Marami akong na-realize sa kanya.

Kasi, lagi lang nating nakikita na funny siya or pa-cool lang, pero deep din pala siya mag-isip. Kasi nagkakausap din kami behind the scenes,” ani Liza.

Pero pagdidiin niya, hanggang friendship lang muna ang pwedeng mamagitan sa kanila ng kanyang partner, “Dito, hindi ko talaga focus yung mga ganu’n (lovelife).

Ayaw ko pong ma-distract,” aniya kasabay ng pag-amin na pinagbawalan talaga siya ng kanyang manager na si Ogie Diaz na ma-in love ngayong unti-unti na siyang nakikilala.

“Pero decision ko rin naman po kasi gusto kong maayos ko rin muna ang acting ko, pagta-Tagalog ko. Kung dadagdag pa ang mga lalaki sa isipan, parang ang gulo na,” esplika ni Liza.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, naniniwala si Enrique na si Liza na ang “the one” para sa maging permanente niyang ka-loveteam. “This is it!” sey ng aktor na todo puri rin sa magagandang qualities ng dalaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending