Geoff galit na galit pa rin kay Carla, nagmura sa Instagram | Bandera

Geoff galit na galit pa rin kay Carla, nagmura sa Instagram

Alex Brosas |October 20,2014
facebook
share this

Geoff galit na galit pa rin kay Carla, nagmura sa Instagram

Alex Brosas - October 20, 2014 - 03:00 AM

carla abellana
TILA hindi makalimutan ni Geoff Eigenmann ang kanyang romantic interlude kay Carla Abellana kaya naman nagre-react ito kapag may post ang anak ni Rey PJ Abellana.

Naloka kami sa reaction ni Geoff sa ipinost na photo ni Carla sa kanyang Instagram account where she was clutching a bouquet of roses na merong ganitong mensahe, “Thank you for always putting a smile on my face, especially during tough  times”.

Sa aming nakita sa isang website ay kaagad yatang nag-post si Geoff ng picture ng sandamakmak na roses na merong “fu—k” na nakalagay. Kalokang tunay, ‘di ba? Siguro ay na-trauma siya sa sinapit niya kay Carla.

Siguro ay talagang hindi niya makalimutan ang ginawang pang-iiwan sa kanya ng dalaga. Sa isang interview nga, tinawag pa raw na demonyo ni Carla si Geoff.

Actually, si Carla ang magmamana ng korona ni Marian Rivera pagdating sa pagkamaldita. Masyadong feeling itong si Carla, akala yata niya ay porke nakapagtapos siya ng kolehiyo at me career sa TV ay sikat na sikat na siya.

Ang daming naiinis sa kanyang kaartehan. Maging ang movie press ay nayayabangan sa kanya. Akala mo kung sino kung umasta, eh, wala pa naming masyadong nararating sa showbiz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending