Assunta ayaw pa ring mabuntis; ayaw magsayaw sa Obando | Bandera

Assunta ayaw pa ring mabuntis; ayaw magsayaw sa Obando

Ervin Santiago |October 20,2014
facebook
share this

Assunta ayaw pa ring mabuntis; ayaw magsayaw sa Obando

Ervin Santiago - October 20, 2014 - 03:00 AM

assunta

WALA pa ring swerte sa pagbubuntis si Assunta de Rossi. Matagal-tagal na silang nagsasama ng asawang si Jules Ledesma pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang anak.

Ayon kay Assunta, mahigit 10 taon na silang kasal ni Cong. Jules pero hindi pa rin sila nabibiyayaan ng sariling baby. Sa presscon ng comedy film na “Beauty In A Bottle” ng Skylight at Quantum Films kung saan makakasama niya sina Angelica Panganiban at Angeline Quinto, sinabi ni Assunta na hindi naman sila tumitigil ng asawa sa paggawa ng bata.

“We’re  trying. Hindi palang talaga sinusuwerte. Oh well, baka hindi pa gusto ng tadhana, yun lang muna ang gusto kong isipin. Kaya ko sigurong tanggapin na hindi na kami magkakaanak if we’ve done everything siguro.

Hindi pa kami umaabot sa ganu’n, e. “By everything, we mean, na kung nagsayaw na kami sa Obando, o yung mga usu-uso ngayong procedures o tests.

Tamad kami sa mga ganyan. Ayaw namin ng mga artificial. Ewan ko ba. Pero ipinagdarasal ko na ‘wag umabot sa ganu’n. Gusto ko ay yung natural way pa rin ng pagbubuntis,” chika ni Assunta.

Natanong din ang aktres kung hindi ba siya nai-insecure o nao-offend sa mga tsismis tungkol sa hindi pa rin niya pagkakaroon ng sariling baby.

“No, not at all. Pero insecurities sa sarili ko mismo, siyempre maraming changes. Pag sinasabi nga ng tao na, ‘Grabe, hindi ka pa rin nagbabago.’ Then, sabi ko sa sarili ko, ‘Diyos ko, kung alam n’yo lang.’

“Hindi naman lahat can see me naked, so napapansin ko na rin na my body is not how it used to be. Hindi naman ganu’n ka-drastic, pero I’m sure darating din tayo dun.

But I guess, nakakatulong din na tanggap ka ng family mo, kung ano ang hitsura mo. Kaya nga, I don’t dwell on it so much, e,” chika pa ng sisteraka ni Alessandra de Rossi.

Diretso namang sinabi ni Assunta na na-feel niya ang kanyang kagandahan noong kasagsagan ng kanyang kasikatan, “When I was 17 or 18, siguro dahil nag-bloom na ako noon, nakadagdag din na hot property ka noon, ‘di ba? At saka, birhen pa ako nun, ganun talaga, kaya, ang feeling ko, yun ang pagiging most beautiful ko, nu’ng birhen pa.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending